LUCKY: NANGINGITI ako na nakamata ditong parang batang nagtatampo ang itsura na hindi napagbigyan sa gusto. Lalo yata akong nahuhulog sa batang ito habang tumatagal. "Lucky naman eh. Gawan mo ng paraan," nakangusong pagmamaktol nito sa kabilang linya. Napabungisngis akong kakamot-kamot sa batok. Kanina pa ito naglalambing at umuungot sa akin na gumawa ako ng paraan para magkatabi kaming matulog ngayong gabi. Ayoko namang sumuway sa babala ni Typhoon sa akin. Pero dahil doon ay nagtatampo naman ang baby ko sa silid nito. "Babe, konting tiis na lang. Masusuyo ko rin si Typhoon. Sa ngayon? Sumunod na muna tayo sa kanila. Parents mo sila, babe." Nakabusangot pa rin ito na katulad ko ay nakahiga na sa kama. Sabik na sabik na rin ako sa kanya. Pero kailangan kong magpigil. "Lucky naman

