MARIONE: NANGINGITI ako habang magkayakap kami ni Lucky na nakahiga sa iisang lounge chair dito sa may gilid ng pool. Matapos naming mag-agahan ay naglambing ako kay Mommy na sumama kami ni Lucky sa bakasyon nila ni Daddy dito sa Palawan. Panay kasi ang liwaliw ng mga ito magmula noong nakabalik na si Daddy. Gusto ko ring makasama sila at para na rin masuyo namin si Daddy at pumayag ng magpakasal na kami ni Lucky. Mabuti na lang at walang kawala ang Daddy kapag si Mommy na ang nagsalita. Kaya kahit ayaw niyang isama namin si Lucky ay wala siyang nagawa. Nangingiti ako na pinapanood sila Daddy at Lucky habang nagkakatawanan na nag-iihaw ng uulamin naming mga seafood dito sa cottage namin. Kung wala sanang trabaho ang mga lalakeng kapatid ko ay buong pamilya kaming magbabakasyon ngayon.

