MARIONE: WALANG pagsidlan ang sayang nadarama ko habang nakakulong sa bisig ng asawa ko. Kahit nasa gan'tong lugar kami na malapit sa peligro ay dama kong secured ako sa bisig niya. Nakakulong sa kanyang yakap at tila winawalis ng kanyang mga halik ang lahat ng aking pangamba sa puso at isipan na maaari kaming mapahamak habang nandidito. May ngiti sa mga labing nagpatangay ako sa matinding antok at pagod sa maghapong byahe kong pumunta dito. "Goodnight, babe. I love you so much, my wife." Dinig kong saad ni Lucky na ilang beses akong hinagkan sa mga labi bago inayos ang pagkakaunan ko sa kanyang braso at mas niyakap ako. Kinabukasan ay hindi ko na nakagisnan si Lucky sa tabi ko kaya napabusanggot akong tinatamad bumangon. Dama ko ang pangangalay ng katawan ko sa hinigaan namin. Sa

