Episode 1- Wrong move

2866 Words
Hindi naman talaga plano ni Jyra na maging headline ng buong Pilipinas ngayong araw pero mangyayari ng di niya inaasahan. Ang pag baliktad ng mundo Jyra at pag sisimula ng kuwento. - - - “Girl, ang bilis mo naman maglakad, puwede ba, like… dahan-dahan naman, freny? I’m literally going to get tired na oh! Wait for me naman, hello?? I’m not built for Olympic walking speed, okay? Charot.” tumarak naman ng literal ang mata ni Jyra dahil habang nag sasalita ito ang Ate Jeidence talaga niya ang naiimagine niya sa tuwing nabuka ang bibig ng kaibigan na Marga. Nakakainis pero sometime nakakatuwa din ang kaartehan nito. Sa totoo lang, ang plano lang niya ay simple. Gumala, bumili ng kung ano-ano na hindi niya kailangan, kumain ng overpriced dessert, at magreklamo sa buhay habang naglalakad sa aircon ng mall na parang siya ang may-ari ng buong building. Pero tumawag si Marga at nag pa sama na mag pacheck-up at ang loka-loka niyang kaibigan nag pabuntis sa kabit nito at hindi naman niya ito mahusgahan dahil marami naman ang na babaliw pag-in love kahit mali basta mahal ipaglalaban. Hindi lang niya ma gets na nasisikmura nito ang makihati kung puwede naman itong pumili ng lalaki na puwede naman nitong masolo. “Jyra, promise ha… hindi talaga ako lalakad nang masyado. I’m still kinda hilo pa rin, like—girl, my head is doing swirl swirl pa rin." wika ni Marga na sinapo pa ang noo habang nakayakap sa isang braso niya. "Wait lang ha, slow mode muna ako today, parang phone na lowbat. Pero don’t leave me ha, I’ll behave I swear… medyo dramatic lang talaga ako ngayon, eme.” mahinang sabi ni Marga sabay hawak ang tiyan niya na halos wala pang bakas pero sobrang protective na siya. “Ewan ko sa’yo ha! Buntis ka pa lang akala mo naman naghihirap ka na ng 9 months agad-agad? Girl, slow down ka muna, parang OA ka na ata today. Pero sige na nga, I’ll be nice… since nagsimba ako kagabi." sagot ni Jyra habang inaayos ang shades niya. “Sige na, drama queen, dahan-dahan lang tayo.” Kung may isang bagay na hindi alam ng mundo tungkol kay Jyra La Huerta, ito ay ang katotohanang kahit mukhang palaban at sarcastic siya, sobra siyang protective sa mga taong mahal niya at si Marga… isa sa iilan. Ang hindi lang alam ng karamihan at dapat hindi alam ng kahit sino ay kung sino ang ama ng dinadala ni Marga na nakaka stress lang talaga sa tunay na buhay. Isang pangalan na may kapangyarihan, may impluwensya at higit sa lahat may asawa. Ang Vice Mayor ng city nila, isang maling desisyon, isang maling pagmamahalan, isang lihim na relasyon, isang sitwasyon na hindi na dapat lumaki pero pinalaki ng loka-loka niyang kaibigan. At ngayon, habang naglalakad sila sa mall na dapat masaya lang gaya ng dati pero dahil buntis na ito kailangan nilang mag-adjust. “Jyra… I want mango graham, like RIGHT NOW. I’m craving it so bad, parang my soul is literally calling for it, freny biglang sabi ni Marga habang nakatingin sa dessert kiosk. Sinamaan naman ni Jyra ng tingin si Marga na nag puppy eyes pa ang loka. "Please don’t say ‘mamaya na’ kasi I might actually cry… or faint… or both. Charot pero hindi charot. Mango graham is my emotional support dessert, okay?” umirap naman si Jyra. “Bawal sa buntis ang sugar,” sagot ni Jyra agad, awang naman ang bibig ni Marga. “Hindi pa confirmed yun!” “Confirmed na ng mukha mo. Kita mo? glow ka, pero mukha kang diabetic ka na.” Natawa si Marga kahit kinakabahan siya na pinalo ng mahina si Jyra na napangiti na lang din. At sa sandaling iyon parang huminto ang mundo nila ng isang babae ang papalapit sa kanila. Mabagal ang lakad at matalim ang tingin sa kanila. Eleganteng-elegante ang itsura, Designer dress, designer bag, red lipstick, at ngiting hindi mo alam kung galit o handa pumatay pero ramdam ni Jyra agad na may something na paparating. “Jyra…” bulong ni Marga, biglang nanlamig ang boses at humigpit ang kapit sa braso niya. “Kilala mo?” tanong ni Jyra, nakakunot ang noo. Hindi sumagot si Marga kasi hindi na kailangan. Dahil ng nakilala na ni Jyra kung sino ang babaeng papalapit sa kanila. Ang legal wife ng Vice Mayor. “Ah. So ito pala,” malamig na sabi ng babae habang tinitingnan si Marga mula ulo hanggang paa. “Ito yung sinasabi nilang kabit na magaling sa kama.” Parang tumigil ang hangin sa mall corridor, napayuko si Marga. May mga dumaan na napalingon, may mga naglakad na bumagal at may mga cellphone na unti-unting umaangat agad. “Excuse me?” agad na singit ni Jyra, humaharang sa harap ni Marga at tinaasan ng kilay ang babae. Tumaas ang kilay ng babae na tiningnan din siya mula paa hanggang ulo. “At ikaw sino ka naman.” “Hindi mo kailangan malaman. Hindi ka naman invited sa level ko. But you can call me your problem.” sagot ni Jyra agad na lumampas sa suot niyang shades ang kilay niya. "Call yourself whatever you want. Just remember—Ako ang legal wife dito, at ako ang magiging problema n'yo.” mataray na sagot ng babae. Tumawa naman si Jyra ng nakakaasar. “Problem? Sweetheart, ako ang dahilan kung bakit may consequences ang mga problema. At hindi ka rin naman mukhang legal wife." mas mataray na sagot ni Jyra. Akala ata ng babaitang ito porket ito ang legal wife ito lang ang may K na mag attitude. Like hello... Major hobbies ka niya iyon. Napapikit si Marga sa likod niya na bahagya siyang hinihila sa suot niyang itim na sleeveless na jumpsuit. “Jyra please…” bulong niya pero huli na. Galit na galit na ang legal wife. Na mas lalong lumapit at gustong malapitan si Marga pero nakaharang si Jyra. “Akala mo hindi ko kayo mahuhuli?” sigaw ng babae at bago pa makapag-react si Jyra. Tinangka nitong sampalin si Marga pero hindi natuloy. Dahil mas mabilis si Jyra, hinuli niya ang braso ng babae. “Wag mo siyang gagalawin,” madiin niyang sabi. “Bitawan mo ako!” sigaw ng babae na pilit na binabawi ang kamay habang nanlilisik ang mata. “Hindi.” “Alam mo ba kung sino ako?!” “Tell me—do I look like I care? If you still have to ask that, then you’re clearly not that significant.” lalo ng nag-init ang babaeng hawak ni Jyra na malakas na sumigaw na kumuha na ng attention saka tiningnan silang dalawa ng masama pero kita ni Jyra na gusto nitong mahablot si Marga anytime. “That’s fine. I don’t measure people by whether they care… I measure them by how fast they fall when I act.” pagak naman na tumawa si Jyra at sa isang desisyon na hindi niya pinag-isipan nang maayos, biglang nagsalita si Jyra. “Kung may gusto kang saktan, ako ang tamang tao.” Napalingon si Marga nang bigla. “Jyra! Anong sinasabi mo?!” bulong ni Marga. Tumingin ang babae kay Jyra na salubong ang kilay then biglang umawang ang bibig na napatingin kay Marga bago kay Jyra na tiningnan muli ng mula ulo hanggang paa. "Ah. So ikaw pala. No wonder kung saan na pupunta ang ibang pera ng asawa ko." wika pa nito na tiningnan ang hermes bag ng Ate Jeida niya na kinulimbat lang talaga niya. “Yeah,” sagot ni Jyra, deretso kahit isang kasinungalingan lang, pero isang sakripisyo at isang impulse na desisyon. “AKO ang kabit. Sarap kasing mag mahal ng asawa mo," Parang may sumabog na bulong sa paligid at doon nagsimula ang gulo. Isang sampal na hindi napigilan at hindi napaghandaan ni Jyra. Tinamaan si Jyra sa pisngi at tumalsik ang mamahalin niyang salamin na regalo sa kanya ng Kuya Jace niya na galing pang London. Tumahimik siya sandali, tumitig sa salamin niyang na sa floor. Tapos ngumiti na nag flipped ng hair. “Okay,” sabi ni Jyra. “Huge mistake, old hug!” wika ni Jyra. "Anong sinabi mo." at automatic sumugod agad ang legal wife at hindi naman nag paawat si Jyra na sumugod din. At sa gitna ng mall aisle, naging eksena ito na parang hindi totoong nangyayari. Designer bag na nag lupadan sa ere habang pinag hahamapasan sa isa't-isa. Jumpsuit na hinihila, dress na halos mawasak at mahubad sa katawan ng legal wife. Heels na nadudulas at nahubad. “BITAWAN MO AKO!” sigaw ng babae. “EH IKAW ANG SUMUGOD! GUSTO MO AKO BIBITAW TANGA KA PALA E!” sigaw din ni Jyra habang hikit-hikit ang buhok ng babae. Hanggang sa hilahin nanaman siya nito at gumulong na sila, Oo. Gumulong talaga as in literal parang WWE match sa gitna ng luxury mall. May isang tao pa ngang sumigaw. “UY MAY FIGHT! Pang WORLD STAR to!" At parang cue sa mundo ng social media. Naglabasan ang cellphone ang mga naroon. Kanya-kanyang video, video, video. Live, Reel, and Story. Wala man lang na umawat. May kumukuha pa ng magandang anggulo. May nagzo-zoom pa. PILIPINO TALAGA, bulong ni Jyra habang sinusubukang iwasan ang heels na halos tumama sa mukha niya. “Malandin ka!” sigaw ng babae. “Matagal na late ka na inform.” Sa isang pagkakamali ng posture nahila si Jyra pababa, naihiga siya nito sa floor at inibabawan. Halos magulo na ang buhok, halos magka-punit punit na ang damit. Pero si Jyra? Mas lalong lumaban. Kasi ayaw niyang matalo. Hindi dahil sa pride. Kundi dahil alam niyang kapag tumigil siya. Si Marga ang isusunod nito at sa likod ng eksena, naroon si Marga na nanginginig sa takot, hindi siya makagalaw, hindi siya makasigaw. Habang pinapanood siyang nakikipag away sa asawa ng kabit nito. Ang tapang nitong kumabit sa may-asawa pero duwag naman kapag na papaharap sa legal wife. Parang tutang bahag ang buntot. Hindi sa kinukunsinti niya ang pagkakamali ni Marga dahil kahit saang angulo mali ito, at ilang beses niya itong sinabihan na tigilan na pero imbis na tumigil nag pabuntis pa talaga ito. At hindi naman talaga si Marga ang pino-protektahan niya kaya inako niya ang kamalian nito kundi dahil sa batang nasa sinapupunan nitong hindi dapat madamay sa kasalanan ng magulang. Pagkatapos ng ilang minuto na parang oras na walang katapusan. Dumating ang security. Late as usual parang sa pelikula lang. Naghiwalay silang dalawa. Hingal, sira-sira ang damit ni Legal wife, gulo-gulo naman ang buhok ni Jyra. Parehas sila na puno ng galos at galit pero hindi pa tapos ang gulo kasi ang mundong ginagalawa nila. Nakapag-record na. Paglabas nila ng mall, hindi na normal ang buhay nila dahil nag sisimula ng mag trending ang eksena nilang dalawa. "Hindi ba iyan ang bunsong La Huerta." usal ni Cross habang nakatanaw sa dalawang babaeng palabas na ng mall na kanina lang nakikipag wrestling sa gitna ng mall. "I thought so." sagot naman ni Joaquin na hindi sigurado. "Pero yung kaaway niya asawa ni Donald." "Sinong Donald?" salubong ang kilay na tanong ni Cross. "Yung ex ng ex mo noong college, na binalaan mo ng braso sa basketball." ani Joaquin na nag lalakad sila. "Ahhh! Buhay pa ba ang lokong yun." "Malamang at mukhang meron isang La Huerta ang nabulok at pumatol sa may asawa." wika ni Joaquin na na iiling saka muli ng nag lakad para lumabas na din ng mall. - - - - - - Hindi alam ni Jyra kung matatawa siya o maiinis habang pinapanood ang sarili niyang sumasabunot sa video “Wow, ang galing ko pala sa angle, na to. Marga…” tawag niya sa kaibigan na umiiyak sa likod ng backseat sa tabi niya. “Kasalanan ko ‘to…” “Hoy,” agad na sabi ni Jyra, na tinabig ang kaibigan na seryoso na ngayon. “Hindi mo kasalanan ‘to. Ako ang pumili nun.” "Freny, bakit mo ginawa ‘yun?! Like seriously, dapat hindi mo na pinatulan—look at you tuloy, may sugat ka pa." Napatingin si Marga sa braso niya na may bahid ng dugo sa pagkakalmot sa kanya. Tahimik lang si Jyra na tumingin sa malayo sa labas ng sasakyan na umaandar. “Because you were pregnant,” sagot niya. “And I’d rather the world think I’m the villain than see you and the baby get hurt." "Sorry kung nadamay ka pa." napabuga naman ng hangin si Jyra na nilingon si Marga. "The moment you chose to be part of this, may nasaktan na. Don’t rewrite it like you’re the kawawa.” wika naman ni Jyra na bahagyang kinutusan si Marga at pinatigil na sa pag-iyak. Tahimik ang buong mansion ng dumating si Jyra pero nakaramdam siya ng ibayong kaba. It's been 2 weeks after ng gulong pinasok niya. Akala niya hindi makakarating sa pamilya niya ang nangyari pero dahil pasaway ang mga netizen at pinag kakitaan ang scandalo nila, talagang nag top 1 pa sa most watched ang away nila ng asawa ng vice mayor. Na meron pang ibang nag lagay ng hashtag kaya lalo ng kumalat like #MallFight #ViceMayorScandal #LaHuertaGirlUnknownKabit. Kaya heto ipinatawag siya ng magulang niya at binigyan ng ultimatum na kapag hindi siya umuwi kalimutan na daw niyang may pamilya siyang inuuwian. Nakatayo siya sa harap ng pamilya niya sa loob ng office ng ama at naroon ang buong pamilya niya maliban kay Jeric na nasa Batangas na minura na siya sa chat at kuya Jace niya na nag banta na intayin daw niya itong umuwi, isasako daw siya nito at ibibitin sa puno ng kalatsusi sa labas ng bahay nila. Pero lahat ng nasa loob ng office ng ama halatang gusto siyang malapitan at masabunutan pero nagtitipi lang ang lahat. Nakatingin ang mga ito sa kanya na parang hindi na siya kilala at hindi niya masisi ang mga ito. Sa dami niyang atraso na pinalampas ng mga ito, ito ang pinakamalala. Ang dumikit na sa pangalan niya ang salitang kabit. “Jyra,” malamig na simula ni Jared na matalim ang tingin sa kanya. “Pagod ka na ba sa buhay mo?” “Sorry—” “TAMA NA! Enough. I refuse to hear that word come out of your mouth one more time—certainly not on repeat like a broken record.” sigaw ni Jared na talagang galit na. Natigilan si Jyra at napapitlag sa lakas ng sigaw ng ama na first time nitong ginawa kaya kahit mag kapatid nila at mommy niya na gulat din. “Pinahiya mo kami,” dagdag niya. “Hindi ko p—” “You don’t need to lie—or explain yourself. We all saw exactly what you did in that video.” putol ni Jared sa sasabihin ni Jyra. Parang may sumaksak sa dibdib niya sa sinabi ng ama. “Lahat ng tao nakakita.” Nanlambot ang mga kamay ni Jyra nanlumo siya na napayuko. Hindi niya masisi ang mga ito kung ayaw ng makarinig ng paliwanag dahil sa dami na niyang kasalanan paano pa niya mapapaniwala ang mga ito. Dahil sa paningin ng mga ito siya ang legit na Kontrabida. “Simula ngayon,” malamig na sabi ng Daddy niya. “Wala ka nang access sa La Huerta Previledge.” napataasa bigla ang ulo ni Jyra. “Daddy?” “You have no credit card. No allowance. No privilege. And not a single La Huerta will lift a finger to help you—so go ahead, try and see what happens when you do.” wika ni Jared na tiningnan ang mga anak at asawa na naroon kasama nila. Parang biglang bumagal ang ikot ng mundo para kay Jyra. “You want money?” he said. “Earn it.” singhal pa ng ama, walang sumagot, walang kumampi o nag tanggol sa kanya ngayon dahil wala ng na niniwala sa kanya. Parang batang tinaboy siya ng ama at pinapasok na sa kuwarto niya at wag daw siyang lalabas ng 24 hrs, parang nung college lang pag grounded siya. Pero sa loob niya, may natira pa ring konti, pride at galit pero hindi sa pamilya niya kundi sa sarili niya dahil sa gulong pinasok niya. Isang bagay lang ang hindi alam ng mga ito, hindi naman totoong kabit siya. Hindi ako kabit. Yuck kaya yun... makikipag share ng lalaki sa ibang babae... NO F*CKING WAY. Bumagsak siya ng higa sa kama niya na sakto naman na tumunog ang phone niya may nag message si Xanthea ang secretary ng Daddy niya na kaibagan niya. "Jy, help me... please, I want to break up with Joaquin." tumarak ang mata ni Jyra. "Ano ba ako nga walang love life bakit ba na dadamay ako sa love life ng mga lukaret na babaeng to..." bulong niya sa sarili habang nag tatype ng reply kay Xanthea. "Can't Bruk! Grounded ako." reply niya rito. "Pupuntahan kita. Papayagan ako ni Sir Jared I'm sure." reply naman nito. "Bahala ka sa life mo... gora ka nalang. Bring Pizza yung family size... ako lang kakain ha bawal ang share." bilin niya sabay hagis ng phone sa kama niya at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD