Panay ang inhale at exhale ni Jyra habang mabilis na naglalakad papunta sa ladies’ room. Pakiramdam niya talaga kapag hindi siya agad nakalayo kay Joaquin baka makagawa siya ng krimen ngayong gabi. Tahimik na ngayon ang pangalan niya sa social media at mga news, hindi na siya nalabas sa mga scandal pero dahil kay Joaquin baka maging murder suspect pa siya. Tangina talaga ng lalaking iyon. Akala mo kung sinong may karapatan magselos samantalang siya itong halos maglaway kanina kakatingin kay Xanthea. Napahawak siya sa noo habang mariing pinipigilan ang sariling bumalik sa ballroom para kaltukan si Joaquin sa harapan mismo ni Rae, tuloy pati kay Xanthea parang badtrip na din siya. Kainis talaga yung mga babaeng walang backbone. Hindi siya selosa, hindi siya masasaktan kahit ilang babae p

