Chapter 41 “Kaiser?” nanlalaki ang mga mata kong tawagin ang pangalan niya nang makita ko siya sa labas ng aking pinto na may hawak na isang Chanel na paper bag. “Dars, please… nagsisisi na ako sa mga ginawa ko,” agad niyang hinawakan ang kamay ko na aking ikinagulat. “Kaiser! Ano ba?! hindi ako nadadaan sa bag!” “Kung hindi ka nadadaan sa bag, ay ibibigay ko sa ‘yo ang gusto mo noon,” tila kinabahan ako nang lumapit siya sa akin. Nanginginig ang kamay kong kapain ang door knob sa aking likod. Bakit ko pa kasi sinara iyon! “Kai!” sigaw ko nang hawakan niya ang braso ko at ilapit sa kaniya. Tila hahalikan na niya sana ako nang may malakas na kung ano ang aming narinig mula sa hindi kalayuan sa banda namin. “What the f-ck!” angil ni Kaiser, dahil sa lakas ng tunog na

