Chapter 34 Tila nagulat na lamang ang katawan ko nang may kung sino ang tumabi sa akin. Kaya nang imulat ko ang mga mata ko ay nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ginagawa niya rito?! “What are you doing here? Hindi ka pa rin nauwi?!” ngumiwi lamang siya at dumikit sa akin. “Makikita tayo ni Belinda! Hey!” “She knows, nagpaalam ako sa kaniya…” umawang ang labi kong tignan siya. Gano’n pa rin ang kaniyang suot, medyo basa ang damit niya, dahil kanina. “No, Dell! You should go home, you’re wet!” “Ikaw rin,” pinikit ko lang ang mata ko. Hindi ako makapaniwalang narito siya sa tabi ko ngayon! “Why are you here? Paanong alam ni Belinda? Paano ka nakapagpaalam? Hindi ‘yon papayag-” “Go on! Tanungin mo siya, nasa baba siya.” pinunasan niya ang luhang tumulo sa akin. “I’m

