Chapter 26 Habang papalapit siya ng papalapit ay kumakabog ang dibdib ko. Halatang galit siya, dahil kita naman sa kaniyang mga mata. Bakit naman siya nagagalit? Dahil ba sa dinalhan ako ng pagkain ni Gilmor? “H-he’s… he’s here…” pigil ang ngiti kong salubingin ang tingin sa akin ni Dell nang makalapit siya sa akin. Ang akala kong ibibigay ang pagkain sa akin ay para na lamang akong tanga na nakatulala nang lampasan niya ako. “Yup, he’s here… oh, he’s gone…” napakurap-kurap pa akong lumingon sa aking likod. Hindi ko akalain na lalampasan niya ako! Akala ko ay sa akin ang pagkain na kaniyang dala! “Why? May kailangan ka ba sa kaniya?” tanong sa akin ni Gilmor. “W-wala, bakit? Teka nga, sabihin mo nga sa akin. Bakit mo ‘ko dinalhan ng pagkain? Crush mo ‘ko, ‘no?” diretsah