Chapter 37 Dali-dali kaming tumakbo ni Diane patungo sa kung saan nang magulat kami nang makita namin si Dell na nakatingin sa aming dalawa. Mabilis kaming napaayos dalawa ng tayo. “What did you do?” tanong niya sa amin. Nag-iwas lang kaming dalawa ni Diane ng tingin at akala mo’y may tinitignan sa kawalan. “Buboy! Bakit? Saglit lang, Dell. Tinatawag ako ni Buboy,” umawang ang labi ko nang sabihin iyon ni Diane. Kumaway pa siya sa akin at animo’y inaasar pa ako ng lagot ako, habang natakbo siya papalayo. “A-ako… ako rin! Tinatawag ako ni… Gilmor!” si Gilmor lamang ang naisip kong pangalan na pwede kong I-excuse nang mas lalong naningkit ang mga mata niya. “You think na hahayaan kita? Kung sana ay sinabi mong tinatawag ka ni Tita Belinda ay maniniwala pa ako,” unti-

