CHAPTER 17

1007 Words
KYLA POV "Si Kyla nga po pala, siya ang ka live in partner ko sa Manila. Three months na po siyang buntis kaya ipapakilala ko siya sa Dad." "Oh I see," sambit ni tita, grabe ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi talaga ako komportable sa ganito. Bukod kay Kenneth, parang lahat yata ng mga kamag anak niya ay mga pobre. Tapos dito pa kami titira sa loob ng ilang buwan? Good luck sa isang kagaya ko na aapi apihin na lang kasi mahirap akong babae. Habang tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay mayroon pa siyang gustong sabihin pero hind niya magawa dahil nandito sa tabi ko si Sir Kenneth. "Tita, please excuse us po sana, kanina pa kasi ako gustong makita ni Dad. Alam niyo naman siya, masyadong mainiping tao." Ngumiti siya kay Kenneth pero nararamdaman ko ang pagiging maldita niya. "Okay fine! Masaya ako na finally ay magiging tatay ka na but I will talk to you later ha? Mayroon pa tayong mga dapat na pag usapan," she said as she leaves. I am so sure na tungkol sa akin ang pag uusapan nila. Buti na lang at tatlong buwan lamang ang itatagal ng aming relasyon. Ayaw kong magtagal kami not because of him but dahil sa pamilya niya. "You okay?" tanong ni Sir Kenneth. I looked at him and I smiled, "Yes, I am just okay po," sagot ko. "Babe ang itawag mo sa akin kapag kaharap na natin si Dad, okay? Relax, ako ang bahala rito. Wag mo nang pansinin ang sinabi ni tita. She's just like, palibhasa kasi ay masyadong maarteng babae at masungit sa mga taong hindi niya raw ka level!" Sinasabi ko na nga ba eh! Tama ang hinala ko, isang pobreng babae nga ang kanyang tita. Buti at mabilis na natapos ang usapan nilang dalawa. Marami pang mga bisita sa paligid at halos maraming humarang sa daan namin. Si Sir Kenneth ang sumalo sa akin at ipinagmalaki niya na three months na akong buntis sa kanya. At heto ako, nagpapanggap din para sakyan ang kanyang pagsisinungaling. Kunwari ay hinahaplos ko ang tiyan kong may padding. Imagine that if buntis nga ako tapos si Sir Kenneth ang ama, instant yaman din ako pero yun nga lang, magiging mala impyerno ang buhay ko sa mansyon nilang ito so I'd rather fake it kaysa sa magkatotoo. Natagalan kami sa pakikipag usap sa iba. Puro nga panay pogi at gwapo ang naririnig kong compliment nila sa kanila. At least, yan ang walang halong kaplastikan. It is true na gwapo siya at ako? Ganda lang ng dahil sa make up ko. Bukas, back to normal na ang lahat. Pumasok na kami sa isang kwarto kung saan nakita namin ang isang lalaki na nakaupo sa wheelchair. Maputi na ang kanyang buhok at may apat na lalaking nakausot ng coat ang katabi niya. Naka shades pa silang lahat at matangkad din. Grabe! Hanggang dito ba naman sa loob ng bahay ay need pa ng guard? Iba talaga ang mga mayayamang tao. Nadatnan namin ang Dad niya na nagbabasa ng libro, nakasimpleng tshirt siya at sakto ang katawan. Hindi halata na mayroon siyang sakit. "Dad!" Sa isang tawag ni Sir Kenneth ay napalingon ang kanyang tatay. Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad kami papalapit. Nakita ko ang malawak na ngiti sa mukha ng Dad niya na halatang nasasabik siyang makita. Halos ilang taon pa naman silang hindi nagkita kaya siguro ay ganito na lang ang pagkamiss niya sa kanyang anak. Sayang, nalulungkot ako na may sakit na ang papa niya. I still want him to live a longer life. They deserve na mag spend pa ng mas mahabang panahon para sa isa't isa. Nag yakapan sila at ang sarap nilang tingnan. Sana ay nandito ang mga kapatid niya para makita nila ito at masabing isang mabait na tao si Sir Kenneth na taliwas sa mga sinasabi nila kanina. Ang higpit ng pagkakayakap ng papa niya sa kanya. Nararamdaman ko yung pagmamahal nito for him. "Sobrang tagal mong nawala Kenneth. Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo ha? Ilang taon kang hindi umuwi rito sa pamilya mo. Ang tagal kitang hinahanap, akala ko ay nakalimutan mo na kami eh!" Bwisit, pati tuloy ako ay naiyak sa muli nilang pagtatagpo. Bawing bawi na ito doon sa nangyari kanina sa labas na kaguluhan. Kapag nagkaayos na sila ay muli nang mabubuo ang kanilang pamilya. Natigil sa pagyakap ang dad niya at napatingin ito sa akin. Muli akong napahawak sa tiyan ko at may kaba na ulit sa dibdib ko. Masyado rin akong nadala sa pangyayari kanina at nakalimutan ko na nagpapanggap nga pala akong buntis. "At sino naman itong babae na kasama mo, anak?" tanong niya pa. "Dad, siya nga po pala, siya si Kyla. Ka live in partner ko siya at buntis po siya ng tatlong buwan. Magkakaroon na kayo ng kauna unahang apo." Muling napatingin ang dad niya sa kanya. Bahala na silang mag usap, basta ako na saling pusa lamang dito ay mananahimik unless they talk to me. "Asawa? Teka di ba ang mahigpit kong bilin sayo ay dapat ikasal ka muna bago magkaroon ng anak? Bakit ka nakipag live in kaagad? Tapos binuntis mo pa siya? Binibigyan mo ako ng kahihiyan!" Dito na ako muling kinabahan. Gusto ko sanang lumapit at hawakan ang kamay ni Sir Kenneth. Natatakot ako sa boses ng Dad niya. May point naman ang kanyang sinasabi, mas maganda pa rin kapag kasal muna ang nauna bago ang anak. Ngayon, ano kaya ang gagawin niya sa tanong ng papa niyang may halong pagsesermon. Napangiti siya matapos ng ilang sandali. "Dad, ito na ang uso ngayon. Karamihan ay natatakot nang magpakasal kaya live in muna sila. Hindi ba kayo masaya na magkakaroon kayo ng apo sa akin? Kaya siguro naman ay mas malaki na ang mamanahin ko sa inyo kumpara sa mga kapatid ko na sakin?" Ang tindi rin pala niyang magsalita. He is talking behind their back. Talagang kahit pala mayaman ay pera pera lamang din ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD