KYLA POV
Lumabas na ako sa airport at sa wakas ay nakita ko rin ang kapatid ko. Nakatayo siya at halatang busy sa kanyang cellphone so ako na ang nag adjust at lumapit sa kanya. Nang nasa harapan niya na ako ay ayaw niya pa rin lumingon sa ate niyang isang buwan na hindi niya nakita. Tumaba siya kahit papaano, dati ay mapayat siya ngunit nagbago ang hugis ng kanyang katawan kaya natutuwa ako. Mas nagmukha siyang healthy compared noon na umalis ako.
So kagaya ng aking nakaugalian ko ay kinurot ko sa ilong ang kapatid ko para pansinin niya ako. Paglingon niya at tsaka ko siya sinermonan.
"Ano ha puro ka cellphone jan?" tanong ko.
Buti naman at napangiti siya nang makita ako dahil kapag hindi ay ipagkakait ko ang pasalubong ko sa kanya.
"Ate?"
The way he looks at me, it was as if he does not believe that I am standing in front of him.
"Malamang? Kamusta ka ha?"
"Ayos lang."
Ayaw ko nang mag aksaya pa ng panahon dahil sa ilang oras na akong walang kain. I need to eat rice at baka sumakit pa ang tiyan ko nito.
"Tara na kumain na tayo, nakalam na ang sikmura ko. Hanap tayo ng restaurant bago tayo pumunta sa hospital."
Napakamot siya sa ulo, "Sige po ate pero wait lang dahil may isa pa po akong kasama."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Sino kaya itong tao na kasama namin ngayon na sinasabi niya?
"Kasama? Bakit tayo may kasama?" tanong ko sa kanya.
"Meron po ate, hintayin lang natin siya, bumili kasi siya ng shake kasi ang akala ko kanina ay matagal ka pa. Tropa ko po siya na sumama sa akin. Kaklase ko rin siya kaya-"
"Kaya parehas kayong umabsent?" pagputol ko sa sinabi niya dahil gets ko na ito kaagad.
Ayaw nang magsalita ng kapatid ko hanggang sa isang babae ang dumating na may dalang dalawang shake at binigay niya ang isa sa kapatid ko. Napatitig ako sa mestisang babae na ito, ang ganda niya at seksi, ang ganda ng pagkakaputi niya at daig pa ako sa kanyang make up sa pisngi at kapal ng lipstick. Magkasing tangkad kami at alam kong pinagloloko lang ako ng kapatid ko when he said na tropa sila. Sa lahat ng taong pwede niyang pagsinungalingan, ako pa talaga na ate niya ang gagawan niya ng ganito?
Hinawakan niya sa balikat itong babae na halatang nagpipigil ng kilig.
"Siya nga pala ate, si Jessa, girl bestfriend ko po sa klase!" pagpapakilala ng kapatid ko.
Ang ganda ng ngiti ni Jessa at tinalo pa ako nitong kapatid ko na muntikan pang madulas! Girl bestfriend niya mukha niya. At dahil sa non confrontational girl ako ay mamaya ko na kakausapin ang kapatid ko tungkol dito. Ayaw ko rin siyang mapahiya sa harapan ng gf niya.
I am actually against it ngunit as long as wala silang ginagawang masama ay susuportahan ko sila kung saan sila sasaya. Natawa ang kapatid ko, gets na gets niya ang matalim na tingin ko sa kanya. Kumain na kami sa malapit na restaurant at siya ang nagdala ng isang maleta ko.
Magkatabi sila ng babae at ang sarap ng pag uusap nila, hindi nila ako pinapansin, gutom din ako kaya naubos ko ang nasa plato ko kaagad. Tila ay may sarili silang mundo kaya nagsalita na ako.
"Marami akong pasalubong sa inyo na ideretso mo na sa bahay mamaya kapag hinatid mo ako sa hospital," sambit ko sa kapatid.
"Salamat ate! Kamusta nga pala ang stay mo sa Manila?"
Ito yung tanong niya na kanina ko pa hinihintay na ngayon lamang niya nabanggit. Nakakawala ito ng pagod sa biyahe.
"Heto hindi madali ang trabaho sa Manila pero ito ako at umuwi. Palaisipan sa akin ang sasabihin ni mama kaya tapusin niyo na ang pagkain niyo para makapunta na tayo sa hospital," sagot ko.
Ang close nila sa isa't isa kaya halatang mag syota na sila sa galawan ng mga ito. Naninwala ako sa time is the ultimate truth teller.
Nagmadali silang kumain at nag taxi na kami papunta sa hospital at ako lamang ang bumaba upang dumeretso sa loob.
"Nasa ground floor naka admit si papa, room 103 siya naka confine," ang huling sambit ng kapatid ko bago ko isarado ang pintuan.
Pumasok ako sa loob ng hospital na bitbit lamang ang bag ko. At bawat hakbang ko papalapit sa hospital ay siya ring kabog ng dibdib ko sa kaba na may kaunting excitement. I am so eager to see them both but at the same time ay sa wakas, malalaman ko na ang ibabalita ni mama.
Pagpunta ko sa tapat ng room 103 ay bukas ito. Nakita ko ang mama ko na nakikipag usap sa isang babaeng nurse sa likod nila ay tanaw ko ang papa ko na naka dextrose. Ang seryoso ng usapan nila pero umalis din kaagad ang nurse. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makita niya ako.
Ang ganda ng ngiti ni mama na parang excited siyang makita ako. Bigla niyang sinarado ang pintuan at hinatak ako palapit sa upuan. Nag usap kami ng nakaupo.
"Mabuti at nakauwi ka kaagad? Parang kagigising mo lang ha?" tanong niya.
Ang bait ng boses ni mama at ang weird lang din nitong pakinggan. Nasaan ang tapang ng boses niya kanina noong nagkausap kami sa phone?
"Opo ma! Ang layo po ng naging biyahe ko kaya nga pagod din ako. Halos isang araw din ang nilaan ko sa biyahe kaya nga ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa. Ano po ba ang nais niyong sabihin sa akin?"
Napabuntong hininga siya ng malalim. Ang tipid na ng ngiti niya, nakatingin ako sa pagbuka ng kanyang bibig. Ganito ako ka eager na malaman ang totoo sa kanya.
"May sumagot na sa hospital bills ng papa mo rito at bukas ng umaga ay makikipag kita tayo sa kanya sa address na napag usapan namin. 10 am ng umaga bukas ang nakatakda niyong pagkikita. Siya na ang magpapaliwanag ng lahat."
Akala ko ay maliliwanagan ako sa mga sinasabi ng mama ko ngunit mas lalo pa akong nalalabuan sa pagpapaliwanag niyang ito.
"Wait? Bakit po kayo magtitiwala sa taong hindi niyo kilala? Sino itong lumapit sa inyo ha? Ano ang pangalan niya?" sunod sunod kong mga katanungan sa mama ko.
"Basta! I save mo ang mga tanong ko sa kanya bukas kapag nagkita kayo, hindi niya kasi ako pinayagan na magsalita tungkol sa kanya. Pero isang bagay lang ang tinitiyak ko sayo, Kyla! Isang mapagkakatiwalaang tao itong tumulong sa atin."
Proud at confident pa si mama sa mga lumalabas sa bibig niyang ang hirap paniwalaan. Para siyang sinampal ng pera ng isang tao na isang araw niya nakilala at pinagmamalaki niya sa akin na mapagkakatiwalaan namin ito. Maliwanag na nagtiwala siya kasi perang binigay ng taong ito.
"Anong nangyari? Akala ko ay sasabihin mo na ang lahat kapag dumating ako dito ma? Bakit binibitin mo pa ako? Hindi ito ang naging usapan natin, ano ba ang nangyayari? Maski nga si Jerome ay wala ring ideya tungkol dito eh," sagot ko.
"Magtiwala ka sa akin dahil nanay mo ako. Katulad ng sinabi ko sayo kanina, i save mo ang lahat ng tanong mo bukas. Ang isipin mo, kaligtasan ng pamilya natin ang nakasalalay dito lalo na ang papa mong nangangailangan ng tulong galing sayo."
Kaligtasan ng pamilya namin? Mas kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Itong mama ko ay may malaking tinatago na ayaw pa niyang ibunyag.
"Ang unfair mo ma! Nagtatampo na ako sayo, paano kung masamang tao itong natulong sa atin ha? Ang sabi mo noon bago ako umalis papunta ng Manila ay mag ingat ako mga budol pero anong nangyari? Ikaw yata ang nabudol rito," sagot ko.
"Kumalma ka nga muna anak, hindi mo pa nga nakikilala itong tao pero hinuhusgahan mo na siya kaagad."
"Don't tell me na pati ang pamasahe ko papunta dito ay galing din sa kanya?"
Sumagot siya ng mabilis, "Ganun na nga ang nangyari. Hayaan mo na, sayo na rin nanggaling dati na ayaw mo na sa Manila kaya ang mahalaga dito ay magkakasama na tayo."
Minsan lang ako sumagot ng pasabat sa mama ko kaya sinagot ko na siya.
"Ewan ko sayo ma! Ang labo mong kausap!" nagtatampon kong sambit sa kanya.
Tumayo siyang bigla at binitbit ang bag niya, "Aalis na ako, ikaw muna ang magbantay sa papa mo ngayon. Mamaya pagdating ko sa bahay ay papupuntahin ko dito si Jerome para makauwi ka din. Siya nga pala, baging pintura ang bahay natin at parehas na tao ang sumagot ng gastos."
Ang sama ng tingin ko sa mama ko. Umalis na siya ng wala nang paliwanag. Sumakit ang ulo ko sa usapan namin ngayon. Lalo lang naging complicated ang sitwasyon namin. Bukas kapag hindi pa rin nabigyan linaw ang lahat ay lalayas ako dito at muling luluwas ng Manila upang magpatuloy sa trabaho. Meanwhile, ang tatay ko ay nanatiling natutulog. Sayang, gusto ko rin sana siyang tanungin, baka may alam siya sa mga nangyayari. I really wanted to know everything sa mga sandaling ito.
Lumalim ang gabi. 10 pm ng dumating dito si Jerome ng siya lamang mag isa. May dala siyang paper bag at tahimik na pumasok. Now, this is the time to ask him a question na kanina ko pa gustong itanong sa kanya.
"Ate, kain ka na muna tapos pwede ka nang umuwi para makapag pahinga sabi ni mama."
Tumayo ako sa harapan niya ng may seryosong mukha, "Bago ko makalimutan, ilang months na kayo ng gf mo ha?" pagi-intriga ko sa kanya.
"Anong gf? Ate maniwala ka, magkaibigan lang kami ni Jessa. Nasa hitsura niya ba ang papatol sa isang hamak na tulad ko?"