CHAPTER 20

1013 Words
KYLA POV Napabuntong hininga siya ng malalim, "Kyla, humihingi ako ng sorry sa mga nasaksihan mo ngayon. Sadyang magulo talaga ang pamilya ko, parati kaming ganito mula noon hanggang ngayon kaya nga ako humiwalay eh. Subalit wag kang mag alala kasi titiyakin ko sayo na pagkatapos ng tatlong buwan ay giginhawa na ulit ang buhay mo. Makakalaya ka na sa ganitong sitwasyon and you can do whatever you want. I promise, dadagdagan ko pa ang lahat ng mga binigay ko sa pamilya mo, now that I am about to become the new CEO of my Dad's company! Narinig mo naman siguro ang sinabi niya kanina? Wala nang bawian pa ang sinabi niya, kaya ang mga kapatid ko, sa tabi tabi na sila kasi ako na ang mamamayagpag. After all, I deserve that kind of position. I worked hard for everything that I have!" I can see the happiness in his face but this is the exact opposite of what I am feeling right now. Masyadong nakakabigla ang mga pangyayari and I cannot swallow it all. "Sir Kenneth, hindi kaya nabibigla ka rin sa mga desisyon mo?" tanong ko, "I mean, sa kasal natin, kasi akala ko ay pagkukunwari lamang ang lahat ngunit ikakasal tayo ay mauuwi na ang lahat sa totohanan." Tinawanan lamang niya ang sinasabi ko na akala niya ay nagbibiro ako. "What are you talking about? Uso naman ang divorce ngayon. Hindi naman linggid sa kaalaman mo na kaya ko ito ginawa ay dahil sa ito ang kagustuhan ni Dad. Let us give what he wants and he will do what I want as well. And besides, madali lamang mag file ng divorce sa ibang bansa. I have money and when someone has money, nothing is impossible. Wala kang dapat na ikabahala, basta sumunod ka lamang sa gusto kong mangyari." Hinawakan niya pa ang pisngi ko at nang mapatingin ako sa kanyang labi ay naalala ko kung paano ko naramdaman ang kanyang matamis na halik kanina. It was so sweet at bitin, ang galing niya rin sa ganitong bagay kaya ang hirap tuloy paniwalaan na wala siyang naging girlfriend. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito ng nakangiti. Ang hirap nito pero ipapaubaya ko na sa kanya ang mga susunod na mangyayari. It's totally up to him na ituloy pa ito at lusutan. Again, I have no choice but to go with the flow. "Loko loko ang mga kapatid ko kanina. Dapat tinanggihan mo ang paghalik nila sa kamay mo, that was so rude of them to do that!" "Sorry, ang bilis kasi ng mga pangyayari kaya nagugulat ako. But they were nice to me." Kumunot ang noo niya at nawala ang saya sa kanyang mukha. "How can you say that? How can they be so nice with you? Nakita mo bang pinagdududahan ka nila? I will be frank with you, ayaw kita na kakampi sa kanila. You should always take my side on this. Masasama silang tao at hindi sila mapagkakatiwalaan kahit na mga kapatid ko sila!" Siya pa talaga mismo ang mag lalaglag sa kanyang mga kapatid pero wala akong magagawa rito. As long as may mana silang hinihintay sa kanilang Dad, they will never stop fighting each other. Kami nga ng mga kapatid ko, kahit na may mga away kami, never namin sisirain ang isa't isa kasi ang kasiraan ng kapatid namin ay parang kasiraan ko na rin. Buti at wala kaming mamanahin sa mga magulang namin bukod sa mga gamit sa bahay. "Okay, I will do it, wag ka nang magalit sa akin." Nanumbalik ang ngiti sa kanyang labi, "Don't worry, I am not angry, I just want to remind you about them. Grabe ang poot at galit ko sa mga kapatid ko at habang buhay ko silang kasusuklaman! Now, let us go outside para marinig na natin ang sasabihin ni Dad. I am so excited about this." Bago kami tuluyang umalis ay may isa pa akong katanungan na gusto kong masagot niya. "Wait lang? Matanong ko nga pala kung uuwi pa ba ako sa bahay?" "No!" sagot niyang walang pag aatubili, "Dito ka na sa loob ng mansyon namin titira kasama ako. Wag kang matakot kasi sagot kita and the fact na alam nilang buntis ka sa akin, they know na dapat kang itrato ng maayos dito. At tsaka ayaw mo ba nun? Masarap tumira rito kasi lahat ng gusto mong kainin ay makakain mo, pwede mo pang utusan ang mga maid. Sa loob ng tatlong buwan ay magiging buhay prinsesa ka kaya sana ay lubusin mo ito, Kyla!" I don't really want to stay here. Baka nga sa loob ng tatlong buwan ay magtago lamang ako sa loob ng kwarto namin. Aanuhin ko ang masasarap na pagkain kung nakapaligid ang mga taong mapang husga sa akin. "Pero last na tanong na? Baka pwede rin akong umuwi o dumalaw sa bahay namin paminsan minsan." "Of course you are! Ngunit tsaka na natin pag usapan ang tungkol sa bahay na yan, for now, ang intindihin natin ay ang mga nangyayari ngayon. Palaban akong tao kaya hindi nila tayo basta basta kakawawain. Ang sabi nga nila ay bunso raw ang ang pinaka matapang sa lahat at sobrang agree ako jan!" Hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kaming dalawa. At sakto pagdating namin ay nasa gilid din ang kanyang mga kapatid. Nang makita nila si Kenneth ay ang sama kaagad ng kanilang mga titig, halatang galit pa rin sila sa nangyari. Akala ko ba kay Jason ay aalis siya rito kasi matindi ang tampo niya sa papa niya? Tama nga ang papa niya, hindi niya rin natiis na makasama ang kanyang pamilya. Sa kabilang side kami ng papa niya tumayo at nagtipon tipon ang lahat ng mga bisita para importanteng announcement. At kahit na nasa kabilang side ang mga kapatid nitong si Kenneth, dama ko ang galit nila ngayon. "Maraming salamat sa pagdalo niyong lahat. Bago ang lahat, nais ko munang sabihin sa inyo na magbibitiw na ako bilang CEO ng aking kumpanya at ang anak ko nang si Kenneth ang papalit sa aking pwesto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD