Adriane Pov "Ano nang balita sa imbestigasyon na ginagawa mo sa mga service crew na nagtatrabaho dito sa canteen.?" Tanong ko kay Kean habang nandito kami sa canteen. Kaming dalawa lang ang nandito sa mesa at nagpapanggap ang isang 'to na makiki'sit in na pinayagan ko agad dahil alam kong may importante syang sasabihin. "Confirmed na Ad. May kasabwat nga ang mga sindikatong ito dito sa loob ng paaralan aside dun sa mga nasa frat, at yung namatay na service crew ay isang testigo sa illegal activities na ginagawa ng mga kasamahan nyang nagtatrabaho sa canteen. Pinatay nila ito para hindi na makapagsumbong sa otoridad." Sabi nito bago sumubo ng pagkain. "So ibig sabihin, yung droga na nakita sa apartment ng taong yun ay inilagay lang para palabasin na kasapi sya sa sindikato. Ganun ba.?"

