Scarlett Pov Nakangiti akong nakatitig sa mukha ng girlfriend ko habang natutulog ito. I asked her kanina kung pwede bang dito muna sya sa bahay matulog ngayong gabi dahil namimiss ko sya masyado kahit pa araw-araw kaming nagkikita sa loob ng campus. I'm glad na pumayag ito at ngayon nga ay mahimbing ang tulog nito habang nakayakap sa akin na gustong-gusto ko naman. She look tired at hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa nito. Well, sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa klase ng trabaho nyang ito. "Hmm. N--no. Please don't." Nabigla ako nang umungol ito. Mukhang masama ang napanaginipan nya dahil na rin sa pagkakakunot ng noo nito. "Honey, wake up." Pag'gising ko sa kanya habang mahinang tinatapik ang pisngi nya. Agad naman itong nagmulat ng mata. Pinagpapawisan ang noo nito kahi

