Into You-5

2353 Words
Scarlett Pov "Hindi mo na dapat ginawa iyon beshy. Goodness.! Kawawa naman yung babae." Hysterical na sabi ni Giana habang naghihintay sa akin sa labas ng toilet room. I rolled my eyes because of that. "Duh.! Nakita mo naman ang ginawa nya sa akin diba.? Look at my blouse. Gosh.! Kahit siguro mag'trabaho pa sya ng isang taon hindi nya mababayaran ang halaga ng damit ko." Naiinis kong sagot sakanya habang nagbibihis ng bagong damit. Mabuti na lang may spare akong damit sa kotse. "Scarlett naman.! Damit lang 'yan, pero sobra naman ata ang ginawa mo dun sa tao. If you only saw her cheek, namumula dahil sa malakas na pagkakasampal mo." Sabat naman ni Sheena. Here we go again.! Nagsama pa talaga ang dalawang mababait. "Look guys.! Wala akong paki'alam sa nerd na iyon, ok.? Kulang pa iyong ginawa ko sakanya, kaya huwag lang talagang mag krus ang landas naming dalawa dahil sigurado akong makakatikim na naman sya ng sampal mula sa akin." Nanggigigil kong sagot sakanila pagkalabas ko sa toilet room. "Yeah, whatever.! Pumunta na lang tayo sa registrar office." Sabi na lamang ni Giana at nauna ng lumabas ng comfort room. Geez.! Minsan talaga hindi ko na alam kung kaibigan ko ba talaga ang mga babaeng ito. Mukhang kinakampihan pa nila ang nerd na iyon. Oh well, hindi ko naman kasalanan ang pagsampal sa kanya. Kung tumingin lang sya sa dinadaanan nya eh 'di sana wala syang natanggap na sampal mula sa akin. Tatanga-tanga kasi, ayan tuloy. "Ang tagal nyo naman sa comfort room. Akala namin nilamon na kayo ng toilet bowl." Sarkastikong sabi ni Shanara pagkalapit namin sa kanilang pwesto. "Hindi namin kasalanan yun. May isa kasi dyan na hindi maka'move on sa nangyari sa kanyang damit." Pagpaparinig ni Giana na ikina'ikot ng mata ko. "Tama na 'yan guys, baka magkasagutan na naman kayo nyan." Pag'awat sa amin ni Lorraine dahil alam naman nilang lahat na hindi ako nagpapatalo. Nauna na lamang akong naglakad papunta sa registrar office na hindi maipinta ang mukha. Humanda talaga sa akin ang babaeng yun.! _______ Adriane Pov Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang pag'iinit ng pisngi ko dahil sa pagsampal ng babaeng yun. Walanghiya.! First day ko palang dito may sampalan ng nangyayari, ano pa kaya kapag medyo nagtagal na ako dito.? Baka mamaya nyan ang babaeng iyon pa ang maging dahilan ng pagkabulilyaso ng trabaho ko rito. Mukha pa naman syang mapang'api at palaban. Base rin sa mga naririnig ko sa paligid matapos ang ginawa nya sa akin ay kilala sya ng maraming studyante rito. Ibig sabihin sikat sya sa loob ng campus at isa lang ang pwedeng gawin sa ganitong bagay, yun ay ang iwasan sya para na rin iwas gulo at atensyon. "Hi. Pwe..pwede bang maki'upo rito.?" Nahihiyang tanong ng isang tinig dahilan para umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Isang mahiyaing lalaki ang tumambad sa akin. Katulad ko ay nakasuot ito ng malaking salamin at hati sa gitna ang maayos nitong buhok na parang hairstyle pa ata ng kapanahunan ng lolo ko. Medyo baduy rin kung manamit habang nakasukbit sa kanyang balikat ang malaking backpack na mukhang puro libro ata ang laman niyon. Magkasing-tangkad lang din kami at mukha itong lampang tingnan dahil sa kanyang postura. Pero may maipagmamalaki namang mukha at pangangatawan, sadyang hindi lang sya marunong mag'ayos ng sarili. Base na rin sa kalkulasyon ko, mukhang mas matanda pa ako rito ng isang taon. Hmm..mukhang wala namang kahina-hinala sa lalaking ito. But anyway, kailangan ko pa ring mag'ingat at makisalamuha ng maayos. "Sure." Sagot ko na lamang sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagkain ko habang panaka-nakang hinahaplos ang pisngi kong nasaktan. Ang bigat talaga ng kamay ng babaeng yun. Punyeta.! "Ayos ka lang ba.?" Tanong nitong lalaki na umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Mukha ba akong okay.? Tss. Tiningnan ko lamang sya at hindi na ako nagsalita, wala akong ganang makipag'usap lalo pa't may nangyaring hindi maganda sa akin ngayon. "Um, I'm Martin Hale. Pasensya kana huh.? Ma..masyado na ata akong naging madaldal." Nahihiyang sabi nito nang hindi pa rin ako nagsasalita. "Ok lang, pasensya na rin. Hindi ko kasi ugaling magsalita habang kumakain." Palusot ko na lamang. "Oh sorry, my bad. Ano nga pala ang pangalan mo.?" Nakangiti nang tanong nito. Nilunok ko muna ang panghuling subo ko ng pagkain at uminom ng tubig bago sagutin ang tanong ng makulit na lalaking ito. "I'm Adriane Ford, nice meeting you Mr. Hale." Pormal kong pakilala na ikinatawa niya. "Ang seryoso mo naman masyado. Martin na lang ang itawag mo sa akin. Saka bago ka lang dito no.? Hindi kasi familiar sa akin ang mukha mo." "Oo, dito ko na lang tatapusin ang huling semester ko sa college." Sagot ko at pilit na ngumiti. "Graduating student ka din pala kagaya ko.? Saan ka pala nag-aral dati.?" Napangiwi ako ng palihim nang magsalita ito habang ngumunguya ng pagkain. In fairness sa kanya, ang baboy nyang kumain. Psh.! "Uh, sa Germany." "Talaga.?! Rich kid ka pala eh. Ba't ka nag'transfer.? Maganda nga mag-aral sa abroad tapos sinayang mo lang." Ok.? Hindi lang sya madaldal, feeling close na rin. "Uh, hindi naman talaga ako mayaman. Bale OFW ang tatay ko roon kaya naisipan nyang pag'aralin kami doon ng kapatid ko para hindi na kami malayo sa kanya." Okay, ako na ang sinungaling. "Kaya ayon, doon na kami nag'aral ng bunso kong kapatid at naisipan kong mag'apply ng scholarship sa school na pinapasukan ko habang nagtatrabaho naman ako sa gabi. Alam mo na, para na rin makatulong ako sa buwanang bayad sa apartment na tinutuluyan naming magpamilya. Kaya lang namatay ang tatay namin dahil sa cardiac arrest bago ko pa matapos ang first semester, at dahil sa hindi ko kayang tustusan ang pangangailangan naming magkapatid sa Germany ay napagdesisyunan na lang namin na umuwi rito at dito na lang ipagpatuloy ang pag'aaral namin. Hindi na nga muna makakapag'aral ang kapatid ko ngayon dahil talagang gipit kami sa pera. Ako muna ang mag'aaral ngayon tutal naman last semester ko na rin ito." Mahaba kong kwento at pinalungkot lalo ang boses ko. Umakto pa akong naiiyak dahilan para mataranta itong kausap ko. Goodness.! Kung hindi lang dahil sa trabaho ko hindi ko gagawin ang katangahang ito. Swerte nya. Mahabang usapan na iyon para sa akin. "I'm sorry. Hindi ko alam na ganon kasakit ang napagdaanan mo. Pasensya na talaga." Hingi ng tawad nitong si uh, sino nga ba ito.? Hm. Uh yeah, Martin pala. "Wala yun, masakit man pero kailangan kong tanggapin na kami na lang talaga ng kapatid ko ang magdadamayan ngayon." Lungkot-lungkutan kong sagot. "Nasaan pala ang mama nyo.?" Tanong nito na may awa sa kanyang mga mata. Tsk.! People nowadays. "Wala na eh. Namatay sya pagkapanganak sa bunso kong kapatid." Sagot ko at lihim na napa'ikot ang mata dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi ko. "Grabe pala ang nangyari sa pamilya nyo, tsaka may kamag'anak naman siguro kayo rito para tumulong sa inyong magkapatid diba.?" "Yun nga ang problema, wala kaming kakilala na kamag'anak saka wala ring nag effort na magpakilala sa amin." Damn this drama.! "Grabe naman.!" Kunot noong sagot nito. "Kaya nga nag'apply ako ng scholarship dito para na rin mabawasan ang gastusin namin. Mabuti na nga lang may perang ibinigay ang kompanyang pinagtatrabahuan ng tatay ko." Tsk.! Kung alam mo lang. "Gusto mo bang tulungan kitang maghanap ng trabaho.? Parang part time job lang." Offer nito na tinanggihan ko naman. "Maraming salamat sa alok mo, pero nakapag'apply na kasi ako sa isang coffee shop dito lang sa labas ng campus. Para na rin hindi na ako gagastos ng pamasahe. Luckily, natanggap naman ako." Sabi ko at pekeng ngumiti sakanya. Ang tinutukoy kong coffee shop ay ang pagmamay'ari ng nakatatandang kapatid ni Mike. Font image ko lang yun kumbaga, para maging kapani-paniwala talagang naghihikahos ako sa buhay. "Kung ganon madalas akong pupunta doon." Hyper na pagkakasabi nito na ikinangiwi ko ng palihim. Shit.! "Sige ba." Napipilitan kong sagot sa kanya. Damn this guy.! Hindi ata ako nito titigilan.  "Great.! And since bago ka pa dito at wala ka pang kilala. Ako na muna ang magiging tour guide mo. Ako na rin ang una mong kaibigan." Tuwang-tuwang sabi nito na muntik ko nang ika'samid sa sarili kong laway. "Ok lang ba sayo na maging kaibigan kita.?" Nahihiya nang tanong nito sa akin. Lechugas. Nagtanong ka pang hinayupak ka.! Argh.! "Oo naman, bakit hindi.?" Ngiti kong sagot sakanya kahit na ang totoo ay gusto ko na syang sipain palayo rito sa pwesto ko. "Uh, maiwan na muna kita. Mag'e'enroll muna ako. Baka maubusan ako ng slot eh." Palusot ko. Isa sa pinaka'ayaw ko ay ang makukulit na tao. And this guy proves that to me even more. "Samahan na kita, baka maligaw kapa dito sa campus." Nagdadalawang-isip pa ako kung papayag ba ako dahil una, ayokong may sumasabay sa akin kahit sinong poncio pilato pa iyan lalo na't kung hindi ko pa kilala ng lubusan. Pangalawa, halata namang ayoko sa mga madadaldal na tao, BUT since nag a'under cover ako ngayon ay pumayag na lamang ako. I had no choice but to bear his garrulity. "Sige ba, pero baka nakaka'abala ako sayo huh." "Naku hindi ah, magkaibigan na naman tayo eh." Masayang sabi nito na muntikan ko nang ika'ngiwi sa harapan nya. "Uh, salamat." Nahihiya ko kunong sabi. Tinotoo nga nito ang kanyang sinabi na sasamahan nya akong mag enroll, at mukhang kakilala nya ata ang babaeng nasa registrar office dahil madali lang akong natapos. Naipasa ko na rin ang application ko kuno for scholarship at ang sabi ay tatawagan lang daw ako. Panatag naman akong makukuha ako dahil matataas ang grado ko kaya hindi ako nag'aalala. "Ayan tapos na tayo, nagutom na naman tuloy ako." Nakangusong sabi nito. "Err, kakakain mo lang ah. Hindi naman tayo nagtagal sa registrar office eh, buti na lang kakilala mo ang babaeng nandoon." "Si Mrs. Ariel yun, kakilala ko na talaga sya dahil isa rin sya sa mga naging professor ko noong second year college ako." Paliwanag nito. "Kaya pala." Nasabi ko na lamang. Magsasalita pa sana ito nang may nagsalita sa likuran namin. "Look whose here, nagsama pa talaga ang dalawang loser." Mataray na sabi ng isang tinig. Sabay pa kaming napalingon ni Martin sa likuran namin at agad nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ang babaeng nanampal sa akin kanina kasama ang mga kaibigan nya ata. "Hello po Miss Scarlett. Uh, sige po. Aalis na po kami." Nauutal na sabi nitong kasama ko na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Ba't parang takot na takot ata ang lalaking ito.? "At saan ka naman pupunta.? Sinabi ko bang umalis kayo.?" Mataray pa ring sabi nito at nakatitig na sa akin ngayon ng masama. Problema ng babaeng ito.? "Hindi po." Nakayukong sagot ni Martin. Tsk.! "Good. And you.!" Sigaw nito habang nakaduro sa akin ang daliri nito. "Sa tingin mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa damit ko.? Ang mahal-mahal non tapos ang isang katulad mo lang ang sisira non.!" Galit nitong sabi na muntikan ng ikinataas ng kilay ko. "Hindi ko sinasadyang banggain ka, saka humingi na naman ako ng tawad sayo. Hindi nga nasira yun eh, natapunan lang naman ng inumin." Malumanay kong sagot at pinigilan ang sariling huwag magtaray dahil baka lumala lang ang sitwasyon. "At sumasagot kapa ngayon.? Watch your mouth nerd, baka hindi kana makapag'aral rito." Galit paring sabi nito at mas lalo akong sinamaan ng tingin. Ang laki ng problema nya sa buhay hah. Pansin kong kinuha nito ang damit sa kanyang bag at galit na inihagis sa pagmumukha ko. "Labhan mo iyan ng maayos at siguraduhin mong matatanggal ang mantsa dyan dahil kung hindi, may kalalagyan ka sa akin nerd." Madiing sabi nito bago ako banggain sa balikat at umalis sa harapan namin. Apologetic namang tumingin sa akin ang dalawa nyang kaibigan habang ang tatlo ay diretso lang ang tingin sa harapan na parang walang paki'alam sa ginawa ng bruha nilang kaibigan. "Ayos ka lang.?" Nag'aalalang tanong nitong katabi ko. "Oo naman, sino ba ang mga yun.? Lalong-lalo na ang matapobreng babaeng yun.?" Naiinis kong tanong sa kanya habang hawak ang damit na itinapon sa akin nong babae. Ang arte-arte. "Si Miss Scarlett Reed yun, at mga kaibigan nya yung mga kasama nya kanina. Campus Princesses ang tawag sa grupo nila. Sila ang pinakasikat na mga studyante dito sa loob ng campus at sikat din sila sa ibang University dahil mayayaman ang angkan ng mga iyon lalong-lalo na si Ms. Scarlett na kalahati ang share ng kanyang ama sa University na ito. Saka lahat sila ay kasali sa cheer dance ng paaralang ito at si Ms. Scarlett ang captain nila." Paliwanag nito na mukhang nahihiya pa ata. "Kaya pala matapobre dahil anak mayaman." Komento ko na lamang. "Ganun na talaga ang ugali nya, kaya nga iniiwasan ng ibang studyante ang magkaroon ng kasalanan sakanya dahil kaya nyang magpatalsik ng studyante rito." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. "Talaga ba.?" Gulat ko kunong tanong sa kanya. As if namang may paki'alam ako. "Oo, kaya ikaw gawin mo na lang ang utos nya para hindi ka nya pag'initan." "Tss. Kaya ayoko sa mga anak mayaman dahil masyadong matataas ang pananaw sa sarili." Plain kong sabi na ikinatawa nya. "Hayaan mo na. Ako nga ipinahiya nya kanina sa harapan ng maraming studyante nang bigyan ko sya ng bulaklak." Wow. Nakakagulat yun ah. "Talaga.? Buti hindi ka nya sinampal katulad ko." Natawa ito sa sinabi ko. "Hindi naman, pero inapakan lang naman nya ang bulaklak na bigay ko sakanya. Sa harapan ko mismo." Poor guy. "Sa dami ba naman kasi ng mga babaeng pwede mong ligawan eh doon kapa sa babaeng leon na iyon." Sabi ko kaya natawa na naman ulit ito. "Paghanga lang naman talaga ang nararamdaman ko sakanya. Sinubukan ko lang naman eh, pero dahil sa wala naman akong pag'asa sa kanya ay titigilan ko na. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin."  "Mabuti kung ganon." Sabi ko na lamang habang tinatapik sya sa kanyang balikat. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng yun. Tsk.! _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD