"Pasensya na, hindi ko sinasadyang manggulo sa bar mo." Hinging paumanhin ni Adriane sa pinsan ni Lorraine na syang may'ari ng bar na pinuntahan nila. Pagkatapos kasi ng nangyari ay agad nilang ipinadala sa hospital ang lalaking nangbastos kay Gabrielle habang si Adriane naman ay pinapakalma muna ang sarili. "Nah.! It's ok. Kahit naman ako kapag nabastos ang kaibigan ko ay hindi ko rin palalampasin. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil nabastos ang kaibigan mo dito mismo sa bar ko." Sagot ni Mikael at apologetic na tumingin kay Gabrielle. "It's not your fault, may mga tao lang talagang mahilig gumawa ng bagay na ikakasakit ng iba." Malamig nyang sagot rito kaya bigla na namang natahimik ang lahat ng nandon. "Anyway, mauna na ako. Pasensya na ulit." Dugtong ng dalaga at naglakad na

