MÊNTÄLLY ÛNSTÁBLÊ (NOT BÂLÍW)

819 Words
Hello, gusto ko lang mag-confess tungkol sa mental health prôblem na nararanasan ko sa ngayon. Sana mabasa niyo ito para mas lumawak ang kaalaman ninyo pagdating sa mga ganitong prôblema. Noong nasa junior high school pa lang ako ay mayroong isang taong binigyan talaga ng pansin ang kalagayan ko. Isa siyang magaling na tagapagturo sa aming church. Napansin din iyon ng mga ka-churchmate ko hanggang sa naisip nila na ipatingin ako sa mga psychologist sa pag-aalala na baka sûícídâl ako. Nang malaman ko ang kondisyon ko ay awang-awa ako sa sarili ko dahil hindi kaagad pumasok sa isip ko na isa akong âbnórmâl/mêntálly unstable. Meron daw akong mêntal condition na Voice Dysphoria (i-search niyo lang sa Google para malaman niyo). Dahil dito, hirap akong makipagsalamuha sa iba't ibang klaseng tao at sumagot sa mga phone calls. Madaming beses na rin akong na-bûlly noong lumipat kami ng apartment sa parehong subdivision na kasalukuyan naming tinitirahan hanggang makailang beses akong nagtangkang mag-sû!cídë. Ito rin ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pa akong trabaho. Sa totoo lang ay naranasan ko nang ma-interview dati para sa work pero dahil mas lumala ang sitwasyon ko. Ngayon ay nahihirapan na ako lalo na't dati akong nabu-bûlly. Hindi lang iyon. Madalas rin akong magkaroon ng mga sêxuãl fântásiës. Nakakapag-mâstúrbäté rin ako ng lagpas sa 2 beses tuwing araw pero minsan naiiwasan ko iyon sa pamamagitan ng pag-distract sa sarili at sa halip ay gumawa ng ibang bagay tulad ng paggawa ng mga gawaing bahay. May mga pagkakataon nga lang na hirap kong makontrol iyon kaya ang hirap talaga. Kinder pa lang ako ay ito na ang nakaugalian ko gawa nang mahuli ko ang aking lola na may katâlík na lalaking hindi niya asawa sa kwarto ng sarili naming bahay. Dahil din doon ay nadamay ko ang pinsan kong mên0r dê édäd din at ngayon ay labis ko nang pinagsisisihan iyon. May iba pa akong mga sintomas na napansin sa sarili ko nitong mga nakaraang buwan kaya lang, di ako pwedeng mag-self diâgnose. Nitong taon ko lang na-realize na nabagok nga pala ang ulo ko noong maliit pa lang ako sa probinsya namin kaya lang ay hindi ako kaagad nadala o dinala sa ospital at iyon siguro ang isa sa mga naging epekto kaya may mga pagbabago sa behaviour ko. Siguro kung hindi dahil sa mga tumulong sa akin noon ay iisipin ko pa rin na wala talagang prôblema sa pag-iisip ko. Dahil din sa kanila kaya hanggang ngayon ay tinutulungan ko ang aking sarili hanggang sa makakaya ng aking loob. Dahil sa kanila kaya na-motivate akong mag-aral gumuhit. Sa ngayon, nahihirapan pa rin akong malampasan ang sitwasyon na ito at hindi pa alam ang mga gagawin para sa hinaharap. Matagal na rin noong naobserbahan ako ng mga psychologist at hindi ko alam kung matitingnan ulit ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko pa ito sa mga kasama ko sa bahay. Nakalimutan na siguro nila ang totoong kalagayan ko na sinabi ng mga nag-obserba sakin noon. Dati na akong dumaan sa matinding dêprêsyon. Nahihiya at natatakot ako na posibleng balewalain lang nila ang sitwasyon ko. Kaya sana, kung mayroon kayong makilala na sa tingin niyo ay may problema sa pag-iisip gaya ng sa sitwasyon ko ay matuto po sana kayo na tanungin sila kung kumusta na sila. Kung hindi man sila maging vocal sa totoong kalagayan nila ay sana, maisip ninyo na mayroon talagang mga taong may matinding pinagdadaanan pero dahil sa hindi maayos ang paraan ng kanilang pag-iisip ay pinipili na lang nila na kimkimin o itago iyon sa kanilang sarili. Sa mga kagaya ko, sobrang hirap para sa amin na mamuhay ng normal dahil sa mga kakulangan namin na kaya ng ibang tao gaya ng pagtratrabaho. Napakahalaga talaga ng boses sa buhay ng tao dahil isa ito sa mga basehan at mas pinapahalagahan ng marami upang magtiwala ang ibang tao sa kanila. Nang mas maintindihan ng ibang tao kung ano ang nais nilang ipakahulugan. Sana mas maging open-minded tayo kung ano talaga ang pinagdadaanan ng bawat isa. Kung may mali o kakaiba man tayong napansin sa kilos o pananalita ng iba ay huwag nating basta-basta na lang lalâitin o iinsúltuhin dahil kung ano ang sinasabi natin sa ibang tao ay siyang magrerepleksyon sa totoong pagkatao natin. Kung isa ka mang professional o isang taong nakapagtapos ng pag-aaral at nagtratrabaho, matuto pa rin kayong maging mapagpakumbaba dahil hindi lahat ng tao ay iniisip na kaya din nilang maging kagaya niyo. Hindi lahat ng tao ay kayang-kaya abutin ang pangarap nang madalian lang dahil sa mga kakulangan o sitwasyon na hindi naman talaga nila kasalanan. Sana nga mas mapagtuunan ng pansin sa mga panahong ito ang Mental Health Awareness at Family Planning nang sa ganon ay maging mapayapa ang pamumuhay ng mga tao dito sa bansa at para na rin maiwasang dumami pa ang mga taong magdurusa dito sa magulông Mundong ating tinatahak. Marian 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD