Pagkatapos namin kumain ni Luna pilit ko siyang sinasama sa labas pero ayaw niyang maglakad kaya heto nanaman ako karga-karga siya na para bang bata. Nalulungkot akong tingnan ang aking mahal na nasa ganito na kalagayan, na walang emosyon ang mukha at nasa iisang dereksyon lang ang mga mata, mamaya lang ay darating ang doktor na galing ibang bansa na susuri sa kanya kailangan ko ng maraming opinyon ng mga espesyalista para sa mas mabilis n paggaling ni Luna, kung sa pag-aalaga lang ay wala akong problema pero ang makita ko siyang walang buhay ay ibang uri pala ng sakit sa akin, sakit na unang beses ko lang naramdaman simula ng magkamalay ako. Nakausap ko na ang mga guro ni Luna sa paaralan, sa kanya parin naman ang unang parangal ngunit sa kanyang kalagayan ngayon hindi ako sigurado kung

