Tawanan ang maririnig sa buong kastilyo, ang lakas ng boses ng mga kasama ni Keaven habang ako naiiyak na dahil sa inis sa asawa, akmang tatalikod na ako dahil sa inis ng biglang hawakan ng aking asawa ang kamay ko tinitigan ko ito ng masama pero hinalikan ako nito sa noo sabay bulong. " Sorry na sweetheart, nagselos lang ako ayaw ko lang ng may ibang lalaki na hahawak sa'yo kahit mga kaibigan o kadugo ko pa. " Tinitigan ko ang mata nito na malamlam at mukhang sensero naman sa paghingi ng tawad. Iginaya niya ako sa sofa at ipinakilala sa kanyang mga dating kaeskwela noong koleheyo pa lamang siya. Si Louie Villacruz, ang tahimik lang na nakaupo sa gilid at seryoso ang mukha. Si Sammuel Torres, naman ay palangite at mukhang pakboy. Si Brayell Gonzales naman na mukhang matino pero may ngise

