Pumasok ako sa banyo at nagbasa ng katawan , habang sinasabon ko ang parte ng aking tagiliran ay nakapa ko ang pilat na tinamaan ng bala, ang dahilan kung bakit hindi ako nakabalik kaagad kay Luna, napapailing ako sa kaisipan na, edi sana mas maaga ko naipakita ang aking tunay na mukha at sana ngayon ay pinagbubuntis na niya ang aming unang anak. Binilisan ko ang pagligo at nagtuyo kaagad ng katawan nakakaramdam na kasi ako ng pagod dahil sa pagbyahe. Dumiretso ako sa higaan at pumasok sa kumot na gamit ni Luna, ipinikit ko ang aking mga mata ay yumakap sa aking asawa. Nagising ako dahil sa isang sigaw kaya mabilis ako na tumayo at hinanap si Luna, wala siya sa tabi ko kaya ang kaba sa aking dibdib ay halos marinig ko na sa lakas at bilis, hahakbang na sana ako palabas ng pinto dito sa ak

