Chapter 9

1329 Words
Mayumi's POV Kumakain ako ng biniling grapes ni Charles habang nanunuod lang sa paligid sa labas ng bahay nang lumabas siya. "Saan ka pupunta?" "Are you my mom?" Pilosopo niyang tanong kaya naman binato ko siya ng isang pirasong grapes na naiwasan niya naman. "I'm your manager." "Isa ah." Pagbabanta niya. "Saan ka nga kasi pupunta?" Palagi nalang kailangan ulitin kapag tinatanong siya. "Basta nga." Sagot nita at tuluyan nang lumabas. Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng kwarto para kumuha ng jacket pagkatapos ay sumunod sa kaniya. "Where are you going?" Charles asked. "Basta rin." "You're annoying." Pumasok siya sa loob ng kotse at syempre sumunod pa rin ako. "Your seatbelt." Pagpapaalala niya. Nang mapansin niyang naisuot ko na ay nagmaneho na siya paalis hanggang sa makarating kami sa tapat ng convenience store nila Renzo. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang sumisilip sa labas mula sa bintana ng kotse. "Kakain lang naman kasi ako. Sunod ka kasi ng sunod." "Kung sinabi mo sana kung saan ka pupunta kanina." Parang kasalanan ko pa. Ginagawa ko lang naman 'yong trabaho ko. Bilin kasi sa akin ni Jolo na 'wag hahayaang lumabas si Charles mag-isa. He's like a kid. Bumaba ako ng kotse at sakto naman ang paglabas ni Renzo mula sa convenience store. "Oh? Yumi." Pagbati sa akin ni Renzo. Sumunod na bumaba si Charles na mayroon nang suot na face mask kaya hinatak ko muna si Renzo sa may hindi kalayuan. "Renzo, mag-reresign na muna ako kasi..." "No worries. I already know the answer why. Isa ka nang manager ng isang sikat na artista kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag sa akin." Pagputol niya sa sinasabi ko. Renzo doesnt exactly know kung ano talaga 'yong sa aming dalawa ni Charles. He only knows what most people knows. "Thank you." I smiled. "Just don't fall in love with him." "What? Baliw ka ba?" "Did you guys kiss already?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa tanong ni Renzo. "You guys had." Pagtango niya sabay buntong hininga. Hindi pa nga ako sumasagot. "Wala. Baliw ka ba. Mukha ba akong papatol d'yan?" "And what the f**k is wrong with me?" Pagsingit naman ni Charles na lumapit na pala sa amin. "Doon ka nga. Usapang magkaibigan 'to." "Bullshit." Sagot niya at pumasok na sa convenience store. "Oh, nakita mo 'yong ugali?"' "Oo na." Pagtawa ni Renzo at tinulak ako papasok sa loob ng store. "Dito kaba talaga kakain? Puro unhealthy foods 'yong nandito." Tanong ko kay Charles. "Minsan lang naman. I'll just buy some snacks tapos kakain tayo sa restaurant malapit dito." "Hmm, okay." "May gusto ka?" Renzo asked. "No, I'm okay." "You like strawberries, right?" Charles asked from afar. "Uh, oo." "Okay." Naglakad si Charles sa ibang parte ng store habang umupo muna kami ni Renzo sa tabi at nag-usap. Nang matapos si Charles ay nagpaalam na rin ako kay Renzo. We agreed to hang out next time when I have time. Sa ngayon ay kailangan ko munang magbantay ng bata. Nilakad nalang namin ni Charles 'yong restaurant dahil malapit lang naman daw. "Here. Drink it." "Oh, thank you." Inabutan ako ni Charles ng isang strawberry milk drink. "How did you know I like strawberry?" "Jolo told me." "How did Jolo know I like strawberry?" "He might have researched about you." "What? You guys do that?" "Yes. That is to protect me." "How is that protecting you?" "People who come near me should be clean. It can ruin my image." I got what he meant, but still, that is an invasion of privacy. "Stop overthinking it. We are not a spy." "I'm not overthinking it." "Then stop biting the straw." Oh. Tahimik lang kaming kumain nang makarating kami sa restaurant. Charles was just on his phone for almost the whole time kaya binaling ko nalang 'yong tingin ko sa labas. Sa sobrang bored ko ay nabasa ko pa 'yong nutrition facts and ingredients nung strawberry milk na binili niya sa akin. Sandali kaming nagpahinga at nang lalabas na kami ay bigla namang bumuhos ang ulan. "Let's just wait here for a moment." Charles said. "Ang boring naman." "You can totally go." "Nag-comment lang eh." Malakas 'yong ulan kaya paniguradong mabilis lang din at titila na. We waited for fifteen minutes bago tumila. Mukhang ako nga lang ang nainip dahil panay naman ang pagkalikot ni Charles sa cellphone niya. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kotse nang madaanan namin 'yong kanto kung saan papasok ng kaunti ay may park. Hindi 'yong park na pangmalakihan. Parang may apat lang yata na duyan at dalawang slides. "May gagawin ka ba? Pwedeng may daanan muna tayo?" "Where?" Itinuro ko 'yong daan at tumango naman siya kaagad. I led the way until we reached the park. Naluma na pala 'yong slides at wala na ring naglalaro kahit isa. Mga limang taon na rin siguro ang nakakalipas simula noong huli akong pumunta rito. I was even wearing my school unifrom that day tapos kumakain pa ako ng milo na ice candy. "Are we here already? Is this the place?" "Hmm." I nodded, smiling. "Why are we here?" "Tambay lang. Saglit lang naman. Masarap 'yong hangin dito kasi medyo pataas." Umupo ako sa swing then I started pushing myself habang si Charles naman ay umupo sa slides. "Are you a kid?" "Hey. Hindi kailan man mawawala 'yon sa'tin." We are always going to have that kid's heart in us. No matter what age we are in the present. Hindi na sumagot si Charles at nang tingnan ko ay humiga na siya sa dulo ng slides at nakapikit. He's obviously enjoying it secretly. Tahimik kasi rito tapos may kalakasan ang ihip ng hangin. May mga puno at kaunting bulaklak din sa paligid. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang pagsipa ko sa lupa bilang pagtulak sa sarili ko sa duyan hanggang sa madulas ang kamay ko sa kanang hawakan dahilan para malaglag ako sa lupa. Medyo malakas ang pagkakabagsak ko dahilan para mapalapit sa akin si Charles at kaagad akong inalalayang tumayo. Ramdam ko kaagad ang hapdi sa tuhod ko mula sa sugat na natamo ko sa nangyare. Marahan ko 'yong inihipan para mawala 'yong kaunting lupa na dumikit habang si Charles naman ay ginamit ang puti niyang panyo to gently pat on my wound. "Ah." Napangiwi ako sa sakit nang subukan kong tumayo ng maayos at maglakad. "Sobrang sakit?" Tanong ni Charles at tumango ako. "Tsk. It would help if you were careful next time. You could've asked me to push you lightly para hindi ka sana naaksidente." "Gagawin mo ba pag sinabi ko?" "No." Malakas din talaga 'yong tama ng isang 'to minsan. "Hop on my back." Pumwesto si Charles sa harap ko at umupo patalikod. "Huh?" "I'll carry you, so hop on my back?" "Ayaw ko." "How will you get home?" Hindi ako nakasagot ang ngumuso lang. "Iiwan kita rito." Pagbabanta niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umaba sa likod niya. "Dahan-dahan lang." Palala ko sa kaniya nang pababa na kami sa kanto. "You should've said that to yourself earlier." "Galit ka ba?" Kanina pa ako sinesermonan. Hindi ko rin naman ginustong malaglag sa duyan. "No." Nang makadaan kami ulit sa shop nila Renzo ay kaagad niya kaming hinarang at lumapit sa akin na may pag-aalalang ekspresyon. "What happened?" "Nalaglag ako sa duyan dun sa park." "Again?" Tumawa nalang ako bilang sagot. "Are you okay? Does it hurt bad?" "Hmm. Okay lang. Gagaling din 'to ng mga ilang araw lang." "Hindi siya magaan. Matagal pa ba kayo?" Pagsingit ni Charles. We almost forgot na buhat niya nga pala ako. "Oh, sorry." "Give her to me." Utos ni Renzo kay Charles at umupo patalikod sa harap ko. "No." Sagot ni Charles at naglakad paalis nang buhat-buhat ako. "Hoy. Teka lang." Mahinang hinampas ko siya sa likod pero parang wala lang sa kaniya at nagdiretso pa rin sa paglalakad. "Bye, Renzo." Tanging sigaw ko nalang dahil mukhang wala nang planong bumalik si Charles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD