***
Kinabukasan pag pasok ko sa school napansin ko na na napaaga ako. Yung room namin wala pang tao. Pero bakit may liwanag? Kandila? Langya baka magka sunugan ah.
Agad akong pumasok hindi naman kasi to nilolock. Wala din naman kasing gamit bukod sa mga locker namin na may kanya-kanya namang lock.
Nag mamadali pa akong pumunta sa lamesa nandon kasi yung kandila. Nang papalapit na ako nabigla ako. Noon ko lang napansin na naka set up yung table.
May mineral na dalawa. Dalawang flying saucer, dalawang Baked Mac? Ano to? Sa loob loob ko.
"Good Morning, nagustuhan mo ba?" Mula sa gilid ko lumabas si Mavy. Sobrang dilim kasi talaga ng room namin at di rin nabubukas mga bintana.
Kaya madalas pag walang power within 1hr eh pinapauwi na kami.
Napangiti ako sa ginawa nya.
"Di mo naman kailangan gawin to eh, nag abala kapa, pero salamat na appreciate ko." Nakangiti kong sabi sa kanya
" Anything for you! Tara na kumain na muna tayo, baka mamaya eh magsi dating na sila." Aya saakin ni mavy.
Masaya kaming nag breakfast date. Grabe kinilig ako syempre. Diba nga sabi ko eh ngayon lang may gumawa sakin nito.
Friday ngayon at after ng klase namin is CAT na. Papunta kami sa covered court ng biglang may iabot sakin si mavy.
" Water tsaka towel oh, inom ka pag nauuhaw ka tsaka pag pinag pawisan ka." Sabi saakin ni mavy
Pag tingin ko sa gilid ko kakaibang tingin nanaman ang binigay ng mga barkada ko. May pag tuksong nagaganap alam ko namang masaya sila para saakin.
Pinag pahinga muna kami ng officer namin, habang umiinom ako ng tubig lumapit si sash.
"Nakakainis naman si Ely! Pinahirapan ako panay ako nakikita! Eh ano magagawa nya nangingiti talaga ako pag nakikita ko sya!" Naiinis na sabi nya saakin.
Tawang tawa ako sa pag mumuka nya. May minor crush kasi sya dun kay Ely na sa kasamaang palad eh command officer namin. Medyo close sila non kaya tuwang tuwa din sa kanya.
"Hay nakoooo! Di ko na talaga sya crush!" Asar nyang sabi na tinawanan ko naman
" Ano nga pala yung sasabihin mo kamo kanina?" Sabi ko naman sa kanya
" Ahhhh shooot! Nag aayang Mag Gear Heads mamaya sila Marc, sumama daw tayo nila aly, cole at ikee nag tatampo na yon." Sabi ni sash
" Ok ok go kami ni mavy." Sagot ko sa kanya.
Tuwang tuwa ang loka. After ng CAT namin nagpalit lang kami ng pang itaas para papasukin sa pupuntahan namin at di namin dala yung pangalan ng school. Mahirap na nako.
Nakausap ko na din si mavy about this and ok naman sya. Infact barkada din naman nya yon sa kabilang section. Tapos sila ikee, aly, at cole naman kaklase namin na eventually ay naging barkada na din.
May humabol pa palang kasama si Mica. Actually katukayo ko yan kaso mas bet nya na mica tawag sa kanya.
Pagdating namin sa Gear Heads nandon na sila Marc at mga naka order na. Pinag hila naman ako ni mavy ng upuan bago sya umupo.
Wag nyo kaming ijudge kung bakit at our very young age eh nainom na kami. Typical na kabataan lang din kami. Di ko rin alam kung bakit kami pinapayagan ng may-ari na uminom dito.
Imagine si sash yyng pinaka bata at the age of 15, mag ka age kami nila mavy na 16. Ang pinaka matanda na saamin is si kuya lest na 19 yrs old.
At masasabi kong eto talaga yung pinaka hangout place namin. Madalas kami dito. Minsan kami na nga pumupuno dito eh sa dami naming mag babarkada. Tsaka dito lang pala kami talaga nakakapasok hahahahaha.
Nakaka dalawang tanduay ice na ako ng mag salita si mavy.
"Nakakadalawa kana pag kaubos mo ng pang tatlo. Please tama na ah."
" Yah no problem." Naka ngiti kong sagot.
Masayang natapos yung bonding namin. Talagang sinusulit namin halos kada friday ata eh nandito na kami. Ganon talaga eh malapit na din naman kasi kaming magkahiwa-hiwalay.
Habang nag gagawa ako ng home work biglang nag vibrate yung phone ko.
Fr: Mavy
Good Evening, text mo ko pag di kana busy, baka pwede akong tumawag?
Napangiti naman ako sa message nya. Patapos narin naman ako sa ginagawa ko. Agad kong dinial ang number nya. Nakapag isip-isip na din naman ako ng mga sasabihin ko.
"Hello Mavy?"
"Good Evening Aika, bakit ikaw yung tumawag? Hindi kana ba busy?"
" May importante din kase akong sasabihin." Medyo kabado din ako syempre
"Ahm sige ano ba yun?" Nagtataka nyang sabi
" Ah napag isip ko kasi na matagal-tagal kana din palang nanliligaw. Gusto ko sanang malaman mo na sinasagot na kita, ayoko na din kase mag hold back eh." Nahihiya ko pang sabi sa kanya
" Wha-whaat? Wa-ait y-you mean ta-tayo na?". Nabubulol pang tanong nya.
Tinawanan ko nalang sya.
"Wait hahahaha wooooh! Di ako kasi makapaniwala, antagal kong hinintay to." Masaya nya nang sabi
"Alam ko. Kaya sana wag mong sasayangin tong pagkakataon na binigay ko."
"Ayokong mag promise pero gagawin ko lahat ng makakayan ko. Thankyou aika. Iloveyou!"
"Iloveyoutoo!" Pabigla kong sabi sa kanya.
"H-ha? Ano nga ulit?" Sabi nya saakin
"Alin?" Takang tanong ko naman
"Yung sinabi m-mo, y-you love me t-too?".di makapaniwala nyang tanong
"Hahahaha. Bukas agahan mo sa room." Natatawa kong sabi sa kanya
Kinabukasan inagahan ko talaga para ibigay tong regalo ko sa kanya. Just a small gift lang naman. A wrist watch.
Pag kapasok na pagkapasok nya sa room niyakap nya agad ako at sinabi kung gaano ko sya na pasaya. To show some appreciation na din sa mga efforts at time nya. I handed to him na my gift.
"Ano to? I mean bakit pa." Nagtataka nyang sabi
"Please accept it. It shows my appreciation and love for you, please wear it all the time." Sabi ko naman sa kanya
Hindi na sya nakapag salita. Naluluhang niyakap nya nalang ako. And he says how thankful he is.
Day by day mas nagiging extra sweet hindi naman sya nag kukulang saakin. Supportive sa lahat ng bagay. Napag uusapan na din namin kung saan kami mag cocollege. Ilang days nalang din kasi graduation na.
Nandito kami kila mavy ngayon with some friends. Group bonding lang. Madalas din ganto kami eh. Pero kaso magkakasama kami as a group para kaming may sariling mundo.
Minsan pa nga bigla bigla nya nalang hahawakan kamay ko and other sweet gesture like that.
Kahit madalas kami sa kanila di pa rin kami nag rereveal sa parents nya. Its my request sa totoo lang di pa din kasi ako handa eh kaya lahat ng sweetness namin eh patago lang even sa mga friends namin ang akala nila eh hindi pa kami na natural nalang saamin yung sweetness.
But for me its more nakakakilig. Anyway di naman namin kailangan mag madali. May mga bagay naman talaga na ipinaghihintay.
***
Napaka bilis ng araw. Parang kailan lang pasukan pa tapos ngayon one week nalang graduation na.
Nakakaexcite na parang hindi syempre graduation yun eh tapos uuwi na din si Mommy.
Kaso ang down side magkakahiwa-hiwalay na kami haysssss.
"May papasukan na ba kayo sa college?"- walang ganang tanong ni jane
"Di ko alam wala pa akong plano." Tamad na sabi ni jihye.
"Ako, ipupush ko yung manila hahaha, wala akong maisip na course eh di ko rin alam saan school ko gusto, sundin ko nalang si papa." Nangingiti na sabi ni sash.
"O eh bakit ganyan itsura mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya
"Hehe, ihhhhh! Kasi confirm mag ma-Manila di si bebeloves, kaso di ko alam kung saang school, aiks!?". Hay nako alam ko na yan!
"Hay nako! Oo sige na itatanong ko na! Para sayo." Naiiling ko na sabi
Haysss ano pa nga ba, dahil mahal ko si sash as a sister syempre support tinanong ko.
"Oy, Manila ka?"
"Oo eh, UE. Ikaw san mo balak?" Balik na tanong nya.
"Baka dito lang, di pa namin napag uusapan ni mommy, pero may balak din sa Manila." Sagot ko naman
Tumango lang sya sabay paalam, tinawag kasi sya ni Dylan. After ko malaman. Sinabi ko agad kay sash. Sobrang natuwa ang loka. Wag na daw kaming mag Uste, CEU nalang daw mas malapit. May kakilala din kasi syabdon kaya dun na din napili ng parents nya. Loka talaga haaaaay
Kinabukasan pagkapasok kom nagulat ako ng may teddy bear sa upuan ko. Wala pang gaanong tao sa room at alam ko kung kanino galing to.
Maya maya pa'y bumukas ang pinto. At lumitaw si Mavy. Ang ganda ng ngiti, nakakagaan sa pakiramdam.
"Good Morning, For you, sana nagustuhan mo."
Bilang sagot nilapitan ko sya at niyakap ng biglang kumalabog ang pinto.
"What is the meaning of this!?" Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko.
"Kami na." Sabay naming sabi sa kanila
Napuno kami ng tuksuhan at saya. Masaya daw sila para sakin. Ako din masaya naman din.
Mula ng maging official kami ni mavy panay na ang labas namin. Madalang na din kasi akong sunduin ni daddy. Kaso hindi pa rinntalaga alam sa bahay at ni mommy. Bumubwelo pa ako.
Siguro sasabihin ko sa saamin pag uwi ni mommy or bago graduation. Bahala na. Basta masaya lang muna ako ngayon.