This Story is dedicated to my male best friend, the brother i never had and best bud, Jettrix :) Sya din kasi nagbigay nitong idea na 'to so ayon ??
Narrator's POV
It was a bright Sunday morning at kagaya ng nakasanayan magkakasamang nagtungo sa simbahan ang pamilya Angeles. Isang Katolikong pamilya na binubuo ng mga magulang na mapagmahal sa mga anak, may mabuting puso at may takot sa Diyos at mga anak na napalaking mabubuting bata. Parehong nanggaling sa relihoyosong pamilya sina Simon at Andrea kaya naman ng magsimula silang bumuo ng pamilya ay hindi nawala sa kanila ang regular na pagsisimba.
"Papa, tingnan mo 'yong bata. Kawawa naman sya. Mukhang hindi pa sya kumakain. Teka lang po Papa, bibigyan ko lang po ng pang-almusal 'yong bata."
Nakangiting tumango si Simon sa kanyang bunsong anak na si Nicolai bago ito patakbong lumapit sa batang pulubi na nakaupo sa gilid ng simbahan at nanglilimos. Nanglilimahid ang bata at halatang gutom na gutom. Nakaramdam tuloy ng kirot sa puso si Simon para sa bata.
"Hon, nasaan si Nicolai? Maguumpisa na ang misa kaya kailangan na nating pumasok." Tanong ng asawa nyang si Andrea pagkalapit nito sa kanya. Itinuro ni Simon sa pamamagitan ng kanyang mga mata kung nasaan ang anak. Nakangiti ito habang nakikipagusap sa batang pulubi. Sabay na napangiti sila Simon at Andrea ng tingnan nila kung ano ang ginagawa ng kanilang anak. Napakaganda ng ngiti nito habang nakikipagusap sa batang pulubi na halatang naiilang dahil sa pustura ni Nicolai.
Patakbo at nakangiting lumapit si Nicolai sa kanyang pamilya pagkatapos nyang kausapin at bigyan ng pangalmusal ang batang pulubi. Sa murang edad na walong taong gulang ay makikitaan na ng busilak na kalooban si Nicolai.
"Tara na po sa loob Mama, Papa." Nakangiti nyang aya sa kanyang mga magulang saka nauna na ng lumakad papasok ng simbahan.
---
"Anak, saan ka kumuha ng perang ibinigay mo doon sa batang pulubi kanina sa simbahan?" Usisa ni Andrea kay Nicolai habang kumakain sila sa isang fast food restaurant. Napahinto rin sa pagkain ang dalawa pa nilang anak na sina Nicole at Samantha at hinintay na sumagot si Nicolai. Maging si Simon ay naghintay din ng isasagot ng anak dahil hindi ito nanghingi ng pera sa kanya kanina.
"Ipon ko po 'yon. Mga sobrang pera sa mga baon ko araw araw. Itinatabi ko po tapos palagi kong dinadala kapag lalabas po ako para kung may makita akong pulubing bata eh mabibigyan ko po ng pera." Sagot nito at pagkatapos ay ngumiti.
Lahat sila ay namangha sa isinagot ni Nicolai. Sa murang edad palang alam na nito kung paano ang maliit na pagsasakripisyo upang makatulong sa kapwa.
"Gaano mo na katagal ginagawa 'yan bunso?" Tanong si Samantha sa kapatid bago muling itinuloy ang pagkain.
"Simula nung grade 1 po ako Ate." Nakangiti ulit sumagot si Nicolai.
Nagkatinginan nalang sila Simon at Andrea dahil walang sapat na salita ang pwdeng gamitin para idescribe ang saya at paghanga na nararamdaman nila para sa anak.
Pagkatapos nilang mag-umagahan ay dumiretso na sila sa isang shopping mall para mamasyal at mamili ng ilang kailangan nilang gamit. Masaya silang nagkukwentuhan at nagbibiruan habang naglalakad sa loob ng mall ng mapansin nila na halos huminto na ang mga tao sa paglalakad at napatutok na sa kani-kanilang cellphone. Nagtataka man ay binalewala ng pamilya ang mga nakita nila sa pag-aakalang panibagong balita lang iyon tungkol sa kung sinong artista o kung anu ano pang trending issue sa social media.
----
Pagdating sa kanilang bahay ay dumiretso ang mag-anak sa kani-kanilang kwarto upang magbihis at iayos ang kanilang mga pinamili. Abala ang magkakapatid sa pagbubukas ng mga shopping bags na pinaglalagyan ng mga bagong damit at gamit sa eskuwela na binili ng kanilang mga magulang para sa kanila nang bigla nalang nilang marinig ang tarantang pagtawag sa kanila ng kanilang ina. Dali-dali silang pumunta sa kwarto ng kanilang mga magulang at nagtatakang napatingin sa mga ito dahil nagbibihis sila ulit ng damit panglakad.
"Bakit po? Ano pong nangyayari? Bakit po nagbibihis kayo ulit ng panglakad?" Tanong ni Samantha.
"Oo nga po, kakarating lang natin aalis po ulit kayo?" Si Nicole.
"Saan po kayo pupunta?" Si Nicolai.
"Samantha anak, ikaw na munang bahala sa mga kapatid mo ha? Kapag tanghalian na pero hindi pa rin kami nakakauwi magbukas nalang muna kayo ng kahit anong ready to eat na pagkain na meron tayo sa kusina. Huwag na huwag kayong magpapadeliver at huwag na huwag din kayong magpapapasok ng kahit na sino bukod samin. Naiintindihan mo ba ko, anak?" Halata ang pagkabahala sa mukha ng kanilang ina.
"O-opo, naiintindihan ko po pero ano po ba talagang nangyayari? Bakit parang alalang alala kayo?" Balik na tanong ni Samantha.
Nagkatinginan muna ang magasawa bago sinenyasan ang mga anak na pumasok ng tuluyan sa kanilang kwarto para mapanood nila ang balita.
-International News Channel on tv-
"People are in panic now because of the sudden spread of the news that already 400,000 died because of this unknown virus that started only 7 days ago. It is said that when you get infected, you will only have hours maybe minutes to live. As we stroll around the downtown, we have seen men and women who's simply walking by, going on their daily routines collapse on the street, dead. The government is still silent about the virus outbreak and there is still no confirmation if this virus is air born or not. Riot has arise on the street, burglary are rampant, people are doing panic buying for necessities and thousands of members of religious groups are starting to gather for a prayer vigil. Religious fanatics are now scattered on the streets calling for people to repent for their sins because the end is near. We advise the general public, where ever you are, be prepared, be protected, do not go outside unless absolutely needed and stock up for any possibility. This is Julia Chen for China International, reporting live from Beijing."
Hindi napigilan ng magkakapatid na matakot at kilabutan dahil sa kaguluhang nakikita nila sa balita. Nagkakasakitan na ang mga tao dahil sa pagtutulakan at pagnanais na makapasok sa mga establishments kung saan naroroon ang mga kailangan nilang bilhin. Nagkaroon na ng mga banggaan, may mga bata, babae at matatanda ng nasaktan dahil sa kaguluhan. Kahit ang mga pulis ay wala ng magawa dahil sa sobrang g**o ng mga tao. May mga bata ng nagiiyakan dahil napahiwalay sa kanilang mga magulang at may mga magulang din na hindi magkandatuto sa paghahanap sa napahiwalay nilang anak.
"Diyos ko po! Anong nangyayari?!" Napasign of the cross pa si Samantha dahil sa mga napanood nila. Si Nicole naman ay niyakap ang bunsong kapatid na si Nicolai dahil hindi na nito napigilang umiyak dahil sa sobrang takot.
"Aalis muna kami ng Papa nyo. Mamimili muna kami ng mga dagdag na groceries at stocks natin dito sa bahay para makapaghanda tayo ng maaga. Bibili na rin kami ng mga protective gears para kung kinakailangan ha? Mga anak dito lang kayo sa loob ng bahay. Walang lalabas at huwag na huwag kayong magpapasok ng kahit na sino maliban sa amin ng papa nyo." Sabay sabay tumango ang magkakapatid saka sila yumakap at humalik sa kanilang mga magulang.