CHAPTER 8 TEXTMATE?

1764 Words
Andito kami ngayon sa canteen kasama ko si iyah at elaj . pero wala pa sila kyle at alex nasaan na kaya yung dalawang yon lagi nalang paimport mga feeling gold! .. Tatlong araw narin ang nakalipas nung gumala kami ni Alex at nung ikwento ko yung about dun sa pag gala namin sa dalawang bruha na katabi ko ngayon, isang damak mak na panunudyo ang pinag gagawa saakin nila iyah .. Aaminin ko ? Nag eenjoy ako kasama si Alex . nag eenjoy ako kausap sya .. Kahit minsan walang sense ang pinag sasabi nya .. Tulad nalang ng .. "Bakit di mapa lobo ang bote mei ?" .. Juskupoo pati ganyang bagay ba dapat may dahilan? na pahagalpak ako ng tawa sa tanong nyang yan . Minsan naiisip ko kung normal ba si alex o baka kulang sa buwan nung pinanganak. " mei si karlo oh " turo ni elaj saakin . tinignan ko si karlo at saktong tumingin din naman sya saakin . he smiled and i smile too.. Nakakahiya naman kung hindi ko gagantihan ang matamis nyang ngiti baka isipin nya bitter ako. Pero bakit ganon ? Parang wala ng spark ? Parang wala ng epekto yung ngiti nya saakin .. Samantalang nuon halos makalbo ko na si iyah o kaya si elaija . tuwing ngingitian ako ni karlo .. Anyare ?, this is real ? Or what . wala kong mafeel .. Hi ? Bati ni Alex saakin dumating na pala sila hindi ko napansin .. Haisst mei ! Nasa outer space nanaman ang utak mo . bulong ko sa sarili ko .. Mei ? Are you okay ? Tanong ni Alex saakin .. "Yup OK lang ako lex .. " sabi ko sa kanya para di na mag tanong ng mag tanong intrimidido panaman tong tao na to. Anong OK ! Iniisip na naman nyan si karlo Alex nginitian kasi ang lola mo kaya siguro lutang na naman Hahaha! . Hayup talagang elaija to . pwede bang pumatay ng kaibigan? tutal muka namang pusa to baka siyam din ang buhay. Tss don't mind him .. Sabi ni Alex pero teka ? Bakit parang naka simangot ang loko at mukang naiirita ?. Oo paki alam ko dyan ? . sagot ko kay alex at ngiti lang ang sinagot nya.. ang taong to talaga kahit kelan haisst .. Naku naku! Pakealam pakealam kunwari Ka pa meisha patay na patay ka naman kay karlo whahahaha! .. Humahalakhak na pang aasar ni elaija . Kahit kailan talaga ang sarap lagyan ng rugby ang bibig ng babaeng to . Nuon yon ! Bruha ! Nung mga panahong mahilig pa ko sa hayop ! Tawa naman nila iyah ang narinig ko .. Totoo naman kasi mahilig ako sa hayop kaya naging pet ko si karlo .. Yung point na love na love ko young alaga kong aso pero di naman ako love . wtf ! Seafood lover kasi sya mas bet nya ang pusit. Habang kumakain kami tumabi sa akin si Alex at may binulong .. "Iniisip mokasing mahal mo pa kaya akala mo mahal mo pa talaga" .. Gumanti naman ako ng bulong sa kanya .. 'Sino ba kasi nag sabi ng mahal ko pa ? ' Natatawa nalang kami sa trip naming dalawa ni Alex .. Hoy! masyado bang private ang usapan nyo at sina sarili nyo ! Agaw eksena ni iyah . napaka epal talaga kahit kailan kanina si elaija ngayon sya naman ang nang babasag ng trip tss.. Nag ngitian nalang kami ni Alex... Bahala sila s mga buhay nila malalaki na sila hahaha! Buy the way guys sa sabado ha ! 15 na ! Ma mumundok na tayo ihanda nyo na ang mga tuhod nyo kumain ng maraming balot be ready! .. Eksena ni kyle na excited. Nako malapit na pala first month nation babe !! Excited na sabi ni iyah ang babaeng to kahit kailan talaga hay nako ! Anong first month nation? Mga kaartehan sa isip isip ko lang "gaga walang forever." Mabilis na lumipas ang oras at uwian na .. As usual Kay alex ako na sabay ganto naman na lagi ang set up namin ng taong to . Ewan ko ba kung bakit okay lang palagi sa kanya na ihatid hatid ako . baka napipilitan lang sa pang uudyok ng mga kaibigan Kong baliw ayoko mag assume baka ma hopia nanaman. Are you OK mei tahimik mo ata? tanong ni Alex sakin habang nag mamaneho .. Napansin nya siguro na tahimik ako .. Oo naman bakit mo natanong ? Inosenteng Sagot ko sa kanya. Totoo naman okay lang naman ako . Pag sya naman kasi ang nasa isip ko . OK talaga ko . Ewan ko kung bakit ganon, Kung bakit iniisip ko sya mag kasama naman kami ngayon ang gulo diba? Parang gusto ko na maniwala sa bulaang propetang si Iyah Buenaflor.. Na hindi lahat ng bagay kaya mo ipaliwanag , katulad nalang ng nararamdaman ng tao . nakaka ramdam tayo ng pakiramdam na hindi natin kaya ipaliwanag.. Natatawa ko sa kasabihan ni iyah .. Pero mas nakaka tawa ang kasabihan ng great philosopher na si Elaija Tadeo .. "Hindi lahat ng pogi lalake yung iba binabae .. " Hahaha!. Di ko mapigilang matawa .. Hey! anong nakakatawa ? Kunot noong tanong ni alex na mukang nag tataka . Ay may kasama nga pala ko naka limutan ko .. Hahaha! wala naman .. Ang pogi mo kasi hehe .. Nagulat naman sya sa sinabi ko at biglang ngumiti . " I know right" proud nyang sagot. Kahit naman ako nagulat sa sinabi ko .. Kaya nanahimik nalang ako dahil baka kung ano na namang kagagahan ang lumabas sa bibig ko.. At isa pa bigla kasi ako naka ramdam ng hiya .. Certify gaga talaga ko nahahawa na ko sa bibig ni elaija na walang preno .. Ilang sandali lang nakarating na kami sa bahay. Salamat lex.. Sabay labas ko ng sasakyan nya.. Always welcome mei.. Sagot nya ng naka ngiti at may pa wink pa. s**t ! Alexis Georgina why you so gwapo ! Sabi ko sa isip ko .. Nag lalakad na ko papasok sa bahay ng tinawag nya ang napaka gandang pangalan ko .. What ? Tanong ko sa kanya .. Ahmm text kita mamaya ha ! Babye mei! sabay paandar nya ng mabilis sa sasakyan nya . bigla naman akong napako sa kina tatayuan ko .. "Text kita mamaya .." "Text kita mamaya..." Mga salita ni Alex na paulit ulit inuulit ng magulo Kong isipan . Pag pasok na pag pasok ko sa loob ng kwarto ko hinawakan ko agad ang cellphone ko .. Hindi ko alam kung bakit eto agad ang una ko hinawakan imbis na ballpen para sana sa homework ko. Mag iisang oras na ang naka lipas hawak ko padin ang cellphone ko wala paring text si Alex . Nag uumpisa nanaman lumabas ang alter ko haistt ! Ginagago lang ata ko ng kumag nayon , ako naman si gaga paniwalang paniwala .. nag uumpisa na nanaman ako mainis sa sarili ko . Bakit ba kasi nag aantay ako sa text ng feeling gold na yon! ano ka banaman mei ! , napaka assuming mo talaga ! . sabi ng isip ko .. Nainis na ko talaga ng tuluyan .. Niyakap ko nalang ang bestfriend Kong unan . Bakit ganon bes ! Di ko naman type si Alex ! Pero bakit inantay ko ang text nya .. Sabi ko sa bff kong unan , as if naman mag sasalita to . kung may buhay lang talaga ang unan nato baka matagal nako dinagukan nito sa kaka ngawa ko . nung Kay karlo palang .. Ipipikit ko na ang mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko . agad namang si Alex ang inisip ko .. Agad ko ding dinampot ang cellphone di ako nag kamali sya nga si Alex nga .. Di ko namalayan na napapangiti ako sa text nya .. Ang bilis mag bago ng mood ko no? Baka bipolar talaga ko Hahaha! From. Alex : Hi mei I'm sorry natagalan ako . what are you doing ? Are you still awake ? Di ko na napigilan ngumiti ! Haisst alex ano bang meron ka . sabi ko sa sarili ko . ano nga ba kasi talagang meron at binibigyan ako ng motibo ni alex sa araw araw na nakakasama ko sya .. Ako lang talaga ang malandi at feel na feel ko na nag bibigay si alex ng motibo .. Nireplyan ko naman sya agad agad .. To : Alexis Oo halata nga ! Bakit ba ang tagal mo haisst ! ? .. Syempre nag galit galitan ang Lola nyo ! Hahaha.. Tumunog agad ang cellphone ko . ang bilis mag reply ni alex nakaka tuwa textmate? .. From: Alex Sorry na po beautiful ? nag half bath pa ko at kumain eh sorry naman na ?. Natawa na ko ng tuluyan at di ko na napigilan gumagalpak. Biglang nawala nalang ang inis ko kay gago hahaha .. To: Alex Oo na ! Hahaha kamuka mo yung emoji hahaha! From : Alex Harsh no ! Hahaha , that means pogi din ang emoji ?Hahaha ?? Whahaha ! Yabang ng hayup sabagay pogi naman talaga sya .. To: Alex Pwede ? Haha ! Pero di ako sure HAHAHA! From : Alex Gawa mo ? Beautiful ? ?? To: Alex Bolero ! Kahiga ikaw ba ? From : alex Iniisip Ka ? ? Waaaaaahhhh !! Natigil ako sa pag tatype nung mabasa ko yung reply . napatili nalang ako at nag nag lumpasay hayup na alex talaga to !! To :Alex Di ka lang bolero malandi ka din pala hahaha !! Reply ko sa kanya ng tawa ng tawa feeling ko ang ingay ko hahaha! From:Alex Waaah ! Di naman ako malandi nag sasabi lang ng totoo hahaha ! Napapa tili na talaga ko ng malakas dito sa kwarto at nag suswimming sa kama kahit walang tubig dahil sa conversation namin ni alex! Sa awa ni God wala pang kumakalampag ng pinto ng kwarto ko ..hahaha para na Kong baliw na tawa ng tawa at ngiti ng ngiti mag isa dahil sa palitan namin ng message ni alex .. Ilang oras din kami mag katext ng textmate ko Hahaha! nung mag pasya kaming matulog . dahil dinalaw na kami ng antok , Nag good night pa sya sa call . ang sweet din pala ng hayup nayon .. Haisst alexis Georgina .. Bulong ko sa sarili ko bago ko ipikit ang mata ko at matulog ng naka ngiti..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD