"Tandaan mo mahal na mahal kita"
Patuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Ang sakit sakit. Hinayaan ko syang umalis ng mga oras nayon. Hinde ko alam kung tama bang gawin namin ito o sadyang kailangan lang talaga.
Sa tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit hanggang ngayon wala pa akong boyfriend, yun ay dahil hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik sya.
"oh? Tulala ka nanaman? Alam mo ang tagal tagal na natin magkaibigan pero, eto ako! Walang ka ide- ideya kung bakit minsan nakikita kitang tulala, minsan naman para kang may hinihintay pero wala naman dumarating"
Kailan kaba babalik? Tatlong taon na mula ng iwan moko. Tatlong taon na mula ng umalis ka sa piling ko. Nahihirapan nako.
"Hoy Therisse! Ano? Lutang lang?"
"kanina kapa ba dyan?"
"ay lutang nga! Alam mo, mag iisang taon na tayong magkakilala pero, parang di pa kita kilala eh, tapatin mo nga ako? Naka adik kaba? Naka tira kaba ng drugs?"
Nakatingin ako sa kanya., naka tira ng drugs? Ganon naba ang tingin sakin ng iba? Hinde ko alam pero sa sobrang lungkot ko siguro nagiging ganon na nga ako.
" hoy bruha? Nagtatanong ako? Tama ba namang titigan mo lang ako., ano? May gusto kana sakin? "
"teka? Anong oras naba? 9:30 pm na pala, sige ah? Mauuna nako"
"Wow Therisse? 6:30 pa uwian mo, nadatnan pa kita dito samantalang closing ako"
"ingat ka nalang sa daan"
"Ikaw ang mag iingat baka maisipan nilang naka drugs ka"
Habang nag lalakad ako papunta sa sakayan, hinde ko maiwasang isipin ang mga gabing kasama ko si Miguel dito. Lagi ko syang iniisip, inaalala ang mga gabing sinusundo nya ko.
Kelan kaya ulit mangyayari na makasama kita sa pag uwi? Kelan mo ba ko babalikan? Tatlong taon mo nako pinaghihintay.
"Misssssss!!!!!"
Kabog ng aking puso ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang lakas.
"miss? Okey ka lang?"
Nakapatong ako ngayon sa lalaking hinde ko kilala.
"ahm miss? Kaya mo bang tumayo?"
Agad naman akong tumayo at nag tingin tingin sa paligid. Karamihan sa kanila ay nakatingin sa amin.
"Hoy ate! Pwede tumingin sa sa dinadaanan mo? Muntikan na kitang mabangga ahh? Mapapatay kapa ng jeep ko pagnagkataon"
Agad din naman umalis ang jeep matapos akong sermonan ng driver
"miss? Okey ka ba? Pasensya na kung nasaktan kita, eh kasi mababangga kana nung jeep kaya..."
"salamat po. Pasensya narin at nadumihan kapa dahil sa pag liligtas sakin."
"Nako! Okey lang ako. Nga pala, Nathan, and you are?"
"Therisse"
Nagpaalam na kami sa isat isa matapos namin magbigay ng pangalan. Hinde ako makapaniwala na muntikan na nga akong mabangga, pero siguro dapat lang yun, baka sakali kung mabangga ako mawala na yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko
"Im home Miguel"
Baliw na talaga ako. Tatlong taon ng umalis dito sa bahay si miguel pero feeling ko nandito parin sya.
Matapos kong kumain ng hapunan ay dumeretso nako sa kama kung saan marami kaming alaala ni miguel, heto nanaman ako umiiyak at patuloy na tumitingin sa litrato ni miguel