"Ah oo, kaya theriisse"
Nabigla nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko. Doon ako mas lalong kinabahan.
"Sana kahit kagabi mo lang ako nakilala, sana pumayag kang bigyan ako ng chance"
Tinanggal ko ang kamay nya at umiwas sa pagkakatingin nya sa akin. Hinde ko sya pwedeng payagan. Paano na si miguel? Paano kung bumalik sya tapos malaman nyang eto ako, kausap ko ang lalaking matagal na palng may gusto sakin
Agad akong tumayo at humarap sa kanya, kita ko naman sa mata nya ang pagtataka
"pasensya kana nathan! Pero di kita mapapayagan, may mahal akong iba at ayokong ng dahil sayo baka lalo pa syang mawala"
Tumayo rin naman ito at hinarap ako
"mahal na iba? Sino? May boyfriend kana ba?"
"ahh wala pero meron nakong mahal kaya please lang umalis kana"
"ahmm sasamahan pa kita magpamedical"
"wag na kaya ko mag isa, please umalis kana"
Wala naman syang nagawa kundi ang umalis nalang, ng mailock ko ang pinto, umupo agad ako at nag isip
Masama bako kung pinaalis ko sya? Masama bako kung di ako pumayag na bigyan sya ng chance? Miguel kelan kaba kasi babalik? Hanggang kailan ako mag hihintay?
Sa mga nag daang oras, dumating narin ang oras ng pag alis ko papuntang center. Habang nag lalakad nakasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ko, noon.
"oh hai therisse? Kamusta naman ang buhay single mo? Ahm? Tatlong taon na noh? Hahahaha wag mo sabihing umaasa ka parin hanggang ngayon?"
Oo noon., kaibigan ko sya noon. Bakit noon? Dahil mula ng malaman kong sya pala ang dahilan ng kumalat na chismis, doon ko rin nalaman na mahal nya pala si miguel., inamin nya sa akin na natuwa syang wala na kami ni miguel. Pinagkalat nyang nabuntis ako kaya iniwan ako ni miguel.
"ano ba angel? Bakit ba sa twing makikita moko lagi kang lumalapit para inisin ako? Pero hinde pala sa twing yon... Kasi araw araw na dumadaan ako dito andyan ka, para bang abangers kita eh. Aminin mo nga sakin? Kay miguel kaba talaga may gusto o sakin?"
"wow naman! Assuming?"
"eh kung hinde sakin? Bakit papalapit palang ako dito naghahanda kana sa paglapit mo? Diba ganon daw yun? Pag gusto mo ang isang tao lagi mo syang iinisin?"
Kitang kita ko sa mukha nya ang inis at hiya sa mga tropa nya
Nilapitan ko sya ng dahan dahan at kita ko naman ang pagtataka nya
Tanka ko syang hahalikan ng bigla syang pumiglas at lumayo
" oh? Bakit ka lumayo angel? Ayaw mo ba? "
Lalo syang nainis kaya wala syang nagawa kundi ang umalis kasama ang tropa nya
Nagpatuloy ko sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa center. Ng matapos nga ang pagpapamedical ko, umuwi nako at naghanda na ng hapunan.
" hmm, ano bang pwedeng makain"
Inisa isa ko ang mga delatang nasa drawer at chempo. Ang paborito ko, ay este, paborito namin ni miguel. Corn beef
Niluto ko ito at nag saing
"hmm ang bango ng luto kong cornbeef. Hayss miguel pag bumalik ka sakin, pangako sabay tayong kakain ng cornbeef"
Agad kong isinalin sa plato ang corn beef at nilagay sa mesa. Binuksan ko ang tv atchaka umupo sa sofa habang nag aantay maluto ang sinaing