"Nasan naba yun?"
Eto ako ngayon hanap ng hanap ng cr na di ko makita, sabi ni tita kanan daw pero panay deretso lang ako
Wait!! May nararamdaman akong kakaiba
Tumingin ako sa likod ko ngunit wala namang tao, lahat sila ay nandon sa party na di kalayuan sa kinatatayuan ko
"hays therisse wala lang yun
Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad ay nakita ko rin ang papunta sa cr.
" hayss salamat naka ihi narin, eto ang problema pag mansyon ang bahay eh, maliligaw ka talaga"
Pagkalabas ko sa banyo ay saktong may nakita akong lalaki na sigurado akong eto yung sumusunod sakin kanina
Pero pano kung hinde sya, papalayo na sya! Kailangan ko syang maabutan
Tumakbo lang ako ngunit malakas ata ang pakiramdam nya kaya mukhang bumilis ang lakad nito
sinundan ko lang sya hanggang sa huminto sya sa table nila tita
Dahan dahan akong lumapit at nakita ko syang umupo sa tabi ng upuan ko
"oh therisse, ang tagal mo naman, halika na dito"
Binilisan ko ng kaunti ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa upuan ko.
Hinde ko pa man nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito ay parang kilala ko na sya
Nakaramdam ako ng panghihina ng dibdib, natatakot ako at kinakabahan
"therisse? Bakit nakatayo ka lang dyan? Umupo kana"
"Hai babe"
Nagulat ako sa pagkakahawak sakin ni nathan sa bewang ngunit hinde ako tumingin sa kanya, naka focus parin ako sa lalaking nakaupo sa katabing upuan ko
"ay kuya nandito kana pala, kanina pa kita hinahanap eh"
"etong kuya mo kung san san nakakarating, kitang bawal sa kanya ang nagpapakapagod eh"
"eh mom, dyan lang naman ako nag iikot"
Mas lalo akong kinabahan sa boses na narinig ko
Hinde pwede, hinde ko kakayanin to
"nga pala kuya papakilala ko sayo girlfriend ko, dali!"
Mabilis itong tumayo at hinarap kami
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko
Sya nga... Ang lalaking matagal kong hinintay
Si miguel
"therisse, si kuya miguel ko, kuya migs, si therisse, my girlfriend"
Inilahad ni miguel ang kamay nya sa akin, hinde ko kaya itong hawakan, nanlulumo ako, gusto kong tumakbo at umuwi nalang, nakaramdam ako ng bigat sa dibdib, nanhihina ako sa nakikita ko ngayon
"babe? Okey ka lang? Nakikipag kamay si kuya"
"ah eh, babe, sumama pakiramdam ko"
"hah? Ah eh, gusto mo naba umuwi?"
Gusto ko na nga ba? O dapat ko syang kausapin? Tanungin? Kailangan paba?
"ahmm"
Nakipag shake hands ako kay miguel at tinapos agad, nakita ko naman ang mga ngiti ni miguel
Bakit parang wala lang ako sa kanya
Bakit parang di nya ko kilala
Umupo kaming tatlo at katabi ko sila pareho
Sa kaliwa si nathan at sa kanan si miguel
Masaya silang nag kukwentuhan at ako? Eto umiinom lang ng juice, ayokong uminom ng wine kahit pa inaalok ako ng magulang ni nathan
Sa twing nagsasalita si miguel ay di ko maiwasang makaramdam ng kakaiba
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko
Di ko maiwasang mag isip