"Jean." Pukaw ni Ashley sa atensyon ng ex girlfriend ko habang kumakain kaming apat ng tanghalian. Sarap na sarap sila sa pagkain lalo na si Jean na namiss ata ang favorite nyang mechado. "Can I ask you something?" Nagkibit balikat si Jean. "Yeah sure." She is too nice para iaccomodate lahat ng walang sense na tanong ni Ashley. Ngumiti si Ashley. "Ilang taon ka na?" Pareho kaming napatingin ni Isabel sa dalawa. Ewan ko ba kung ano ang trip ng bestfriend ko kaya kung ano ano ang pinagtatanong nya kay Jean.. O masyado lang ba syang curious na ngayong alam nya na ang lahat about us? Maingat na pinunasan ni Jean ang kanyang labi bago napipilitang sumagot kay Ashley. "29." Napanganga si Ashley at halata ang buong paghanga sa mukha nya. "Are you kidding me? 29?" Tumango si Jean. "Gosh

