"Ginawa na po namin ang lahat ang pasyente na lang po ang nakakaalam kung kakayanin pa ba niya o hindi na. Malaki ang naging damage ng katawan niya. Maraming ugat ang mga pumutok na konektado papunta sa brain niya at kahit pa dalahin n'yo siya sa US o kahit saan pang basa isa lang ang sasabihin ng mga doctor." Umiling si Thunder sabay buga ng hangin. "He can't make it any longer. Humihinga na lang siya dahil dito sa ventilator at Extracorporeal Membrane Oxygenation pero kapag inalis na natin ito magkakaroon siya ng hypoxic brain injury at sa huli mamatay din siya." "So sinasabi mo ba na sooner or later mamatay din si Ken?" tanong ni Alodia na hindi na magawang umiyak pa dahil sa halos magsarado na ang mata niya sa pagkamugto. "It depends on what his will and on what you want as well." s

