Halos humagolgol na ng iyak si Alodia habang tumatakbo sa kahabaan ng hallway ng hospital papasok na sana siya sa trabaho ng maka receive ng tawag galing sa mama niya na dinala daw si Daniella sa hospital kagabi dahil meron daw sumaksak rito sa loob ng mall habang nag rorounds ito sa mga boutique para sa closing. Ayaw kasi ng Tita Danny niya ng bodtyguard kahit noon pa, mas takaw aksidente pa daw ang mga bodyguard. Ang mahirap pa isang minor ang lumapit daw sa Tita niya at nag panggap na isang shoplifter na nakiki-usap na wag itong ipakulong habang hinahabol ng mga guard. Pinigilan daw ng Tita Dany niya ang mga guard na humahabol at inilagay sa likuran ang dalagita ngunit iyon pala ang pag kakamali ng Tita niya. Kaya pala hinahabol ito ng may guard dahil meron daw itong dalang kutsilyo at

