"Kelan ako mag s-start?" tanong ni Bryan ng lumabas na ang 3 babae na kasabay niya sa interview. "Pag-iisipan ko." tanong naman ni Alodia na tumayo mula sa sofa at nag tungo na sa mesa niya habang sumunod naman si Bryan. "Bumaba ka sa HR para maka kuha ka ng ID, payroll form at cotract para________." nahinto naman sa pag sasalita si Alodia ng makaupo na siya sa swivel chair niya na kasabay na ipinatong naman ni Byran ang isang papel sa harapan niya sabay tingin sa binata na may suot na din company ID at todo pa din ang ngiti nito. "Kahapon pa ako tinawagan ng HR na hired na daw ako kaya pinapunta ako ngayon for the contract signing daw tapos binigyan na ako ng ID." wika nito na hinawakan pa ang ID para hilahin nito at ipakita sa kanya na natuwa pa ito dahil na hihila ang lace ng ID. "T

