"Hindi kita pinalapit kay Alodia para salakayin mo kapag hindi kami nakatingin." wika ni Dennis habang naka halukip-kip na naka-abang sa labas ng pinto ng bathroom sa loob ng guestroom na pinagamit kay Bryan para makapag palit ito ng basang damit. "Sinabi ko na din po sa inyo sa simula pa lang na ayoko kayo ang nag pumilit tapos ngayon magagalit kayo sa akin." inis na wika ni Ken na marahas na bumuga ng hangin na nag kuskos ng buhok na basa. Nagkaroon sila ng engkuwentro ng mga Lagdameo ng minsan na corner siya ng mga ito na hindi niya inaasahan, akala niya nagawa nila ni Collin na malinis ang trabaho nila pero ngayon niya napatunayan na don't mess with the kurimaw dahil nagawa ng mga itong kalkalin ang lahat at nalaman ng mga ito kung sino agad siya sa maiksing panahon. Kaya naman kahi

