"Lagi ka na lang galit?" turan ni Ken habang sakay sila ng kotse nito at kulang na lang ipagsiksikan niya ang sarili sa pinaka gilid ng pintuan. Masama ang tingin na pinukol niya rito na parang gusto na niya itong tumasik palabas ng kotseng uma-andar. "Alam mo kung 'di ka lang maganda mukha mo sarap tampalin." ngisi pa ni Ken, "Ako ba talaga ang lagi na lang galit, ang tahimik ng mundo ko kapag wala ka. Bakit bumalik ka pa?" "Ang boring ng buhay mo kung wala ako." napakuyom naman ang kamay ni Alodia na huminga muna ng malalim. "Alam mo ba sa haba ng existence ko sa mundo ito, ngayon lang ako naka kilala ng tulad mo. At pakiramdam ko napakarumi ko ng babae dahil sa walanghiyang tulad mo." turan pa ni Alodia na hindi na napigilan ang pag piyok ng boses kaya mas iniiwas niya ang tingin ri

