"Wag ka ng sumama pauwi, mag commute ka na lang." wika ni Alodia na malamig na nakatingin sa kanya habang nililinis ng nurse ang mga sugat niya sa mukha. Daig pa niya ang nakipag-away sa pusa sa dami niyang kalmot sa mukha, hindi nga siya nag papuro sa mukha kanina, tama na ang dalawang suntok lang para lang mag mukhang makatotohanan pero ito si Alodia daig pa ang sinaniban ni Catwoman at nakalipat pa ng passenger seat kanila. Kulang na lang mapoknat siya sa dami ng buhok na nahila nito, ang hapdi ng mukha niya sa mga kalmot nito idagdag pa ang tenga niyang kumi-kirot. Sakto naman nasa hospital na sila ng magising ito at bumubula pa ang bibig nito sa mura. Parang nag ibang tao ito na hindi talaga niya inasahan. "Wag ka na din pumasok bukas, baka makalimutan ko na iniligtas mo ang buhay

