Pabagsak na nahiga si Alodia sa kama niya na parang pagod na pagod siya sa maghapon na trabaho tapos ang dami pa niyang nasirang meeting dahil kay Byran. Kaya imbis na mabawasan ang mga trabaho niya mas na dagdagan pa dahil sa pakiki-alam ni Byran na dapat ay nasa likod lang niya at inaaral ang mga schedule niya. Muling bumangon si Alodia para mag handa sana maligo bago mag pahinga na ng tuluyan ng mag ring ang phone niya. Hindi na sana niya sasagutin kasi gabi na at wala na siya sa mood na makipag-usap. Ang gusto na lang niya makapag pahinga at matulog na drain siya ng husto ngayon araw na ito, pero ang kulit ng natawag kaya napilitan na siyang kunin ang bag para kunin ang cellphone na ring ng ring. Kumunot pa ang noo niya ng makita na walang number na nalabas kaya tinitigan pa niya ang c

