"Sigurado ka ba?" tanong ni Dennis habang sakay sila ng sasakyan. "Oo sabi, naka receive talaga ako ng signal at natitiyak kong anak mo yun." ani Railey habang nasa likod ng sasakyan katabi si Dennis habang si Sevy ang driver. "Sino naman ang sasamahan niya sa Ukraine?" tanong naman ni Skyler. "Si Kennedy, may business siya sa Ukraine." sagot naman ni Dwight. "Ginamit ng anak mo ang code na itinuro natin sa kanila buti na lang nasa harap ako ng computer ng makita ko kaya na detect ko agad bago na buksan ang firewall pero mukhang hindi si Kennedy ang sinamahan ni Alodia." wika ni Rai, "Anong ibig mong sabihin?" "The signal came from Domitrovich palace, at sa pagkakaalam ko walang makakapasok dun kung hindi ka miyembro ng pamilya ng Domitrovich." wika pa ni Railey. "So, paano tayo mak

