"Huh! Pero bakit ka mag reresign Emma, hindi puwede." gulat na bulalas ni Alodia habang kausap sa Vcall ang assistant na balot na balot ng jacket nakasuot ng facemask at kita sa mata nito na may iniinda talaga itong sakit. "Pasensya na boss, baka umuwi na ako sa amin. Ang hirap magp-isa kapag may sakit kailangan ko ang pamilya ko." "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita. Ako ang bahala sa'yo," pagak naman tumawa si Emma. "Wag na boss, na send ko na through email ang resignation ko kay Dessa. Siya na po ang bahala na mag-asikaso." "Emma naman, magkasama na tayo mula pa ng magkatrabaho ako. Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko, mag pahinga ka sige kahit 1 buwan or sige kahit 2 buwan na or paabutin mo pa ng 3 buwan pero wag ka naman mag resign. Hindi ko pipirmahan ang resignation mo. Iintayin kit

