"Are you okay ma'am?" tanong ni Steffan sa amo sa likod ng sasakyan na tahimik habang nakatanaw sa labas ng bintana. Saglit na lumingon si Alodia sa bagong assistant. Pag gising niya kinabukasan sa hospital hindi na niya muling nakita si Ken hindi na ito muling nag pakita. Gusto niyang umiyak, mag wala at hanapin ito pero para ano pa siya lang naman ang nag papahirap sa sarili niya. Anong magagawa niya kung hindi kaya ni Ken na sumugal mapipilit ba niya ito. Iniisip na lang niya importante buhay ito at alam niyang lagi lang itong nasa likod niya. It's been a week kahit mga kuya niya hinahanap na si Bryan ganun din ang Tita Dany niya na galit na galit pa ng malaman na hindi na ito nag papakita. Hindi niya alam kung bakit hinahanap ng pamilya niya si Bryan, alam din ba kaya ng mga ito na si

