Napahikbi si Alodia habang nakikinig sa paghingi ng tawad ni Ken sa mga tao na nag wawala sa galit dahil sa mga buhay na nawala sa mga ito dahil sa kasalanan ng ama nito. Ibang Ken na ang nakikita niya sa mga oras na iyon para ito isang angel na inalisan ng pakpak at wala ng kakayanan na lumipad at tinggap na lang ang kapalaran nito. "Tumayo ka! Wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan.' bulong ni Alodia, alam niyang mali ang ginawa niyang pag takas sa Enchanted Ville pero gusto niyang makita si Ken. Nang malaman niyang sinaktan ito ng ama nito at isinugod sa hospital gustong-gusto niya itong mapuntahan dahil nag-aalala siya rito. Ngunit agadan siyang dinala sa Enchanted Ville ng mga Kuya niya kasama ang anak niya. Alam niyang safety lang niya ang gusto ng mga ito kaya pinag hihiwalay sil

