Nakatingin si Alodia sa box ng pills na hawak habang nasa kusina siya at panay ang kamot ng binti niya na pinapapak ng lamok habang nag hahain ng hapunan nila ni Ken na parang walang kapro-problema sa buhay. Panay lang ang tulog nito or di kaya naman lalabas at kung saan pupunta. Parang kontento na ito sa ganun klase ng buhay, walang internet, walang kuryente ang tubig balon na hinukay sa lupa na meron mahabang kawayan para makaigib na meron maliit na balde sa dulo na magiging pangsalok sa tubig. Puro pag hihirap na siya at gusto na niyang maiyak. Gusto na talaga niyang umiyak kaya napatingin na siya ngayon sa box ng pills mag dadalawang buwan na sila doon at pakiramdam niya kapag tumagal pa siya ng isang buwan baka magkasira-sira na ang balat niya sa kagat ng lamok. Hindi pa yun ang kinat

