Chapter 5

731 Words
Nag bell na na ang ibig sabihin ay uwian na cleaners ako ngayong araw kaya sinimulan ko na pati ng mga kaklase kong cleaners din na maglinis. "Bye bye rence bukas ulit"-cheena "Bye rence ingat ka ah"-Hiro "Bye Ren Ren paki kamusta na lang ako kay tita ah sabihin mo dadalaw ako pag may time ako"sabinaman sakin ni tristan.nginitian ko naman silang tatlo at saka sila umalis kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis pagkatapos kong maglinis ay kinuha ko ang bag ko at saka bumaba ng may nakita akong isang teacher na may dalang dalawang mabigat na bag kaya tinulungan ko ito.sinabi niya sakin na dalhin ko na lang daw ito sa Science dep kaya agad ko namang tinungo yun ng maihatid ko na ang mga bag ay bumaba nako pagkababa ko ay wala nang mga estudyante nakita kong wala ng estudyante bukod sakin nakita ko ring wala nang masasakyang trycicle.hayst san ako sasakay nito.late na rin kasi ako bumaba ehh napagisipan kong maglakad na lang tutal kabisado ko naman na ang daan papunta sa lugar namin dahil wala na akong ibang masasakyan. trycycle lang naman kasi ang pwede mong sakyan papunta sa lugar namin. hahakbang na sana ako ng biglang may bumusina sa harapan ko kaya napatingin ako dito.binuksan niya ang pinto ng kotse niya dahilan para malaman ko kung sino ang nasa loob. si Jayce.anong ginagawa niya dito?bat hindi pa sya umuuwi. "Get in,its too late wala ka nang masasakyan".sabi niya.hindi ko lamang siya pinansin at nagsimula na kong maglakad. sinundan niya pa rin ako binagalan niya ang takbo ng kotse niya para masabayan ang lakad ko. napatigil ako sa paglalakad dahil sobrang dilim na talaga ng mga daananan at wala pang street lights kaya nag dalawang isip ako kung itutupoy ko paba "So are you coming in?"tanong sakin ng taong kinaiinisan ko nakita kong nginisihan pako neto. wala na kong nagawa kaya naglakad nako papunta sa likod ng kotse niya.okay na rin kesa pagfiestahan ako ng mga aso. "Dito ka sa frontseat wag ka diyan mamaya isipin pa nila kinikidnap kita eh"sabi niya kaya wala akong nagawa kundi umupo sa harapan. nagulat ako dahil inilapit niya ang ulo niya kaya nagkatinginan kami. malapit na ring mag dikit ang aming mga labi kaya sa pangalawang pagkakataon ay pinanghinaan ulit ako kaya napapikit nanaman ako. naramdaman kong gumalaw siya kaya iminulat ko ang mga mata ko at napagtantong sinuotan niya lang pala ako ng seatbelt dun ko lang narealise ang katangahan ko. pero bakit parang may bagay akong ineexpect na gagawin niya.hayst rence!.hindi.ano bang nangyayari sakin. tahimik lang kami habang nasa biyahe nagsasalita lang ako kapag ituturo ko sakanya ang daan. sinabi ko sakanya na ibaba niya na lang ako sa may kanto pero nagpumilit siyang ihahatid niya daw ako hanggang amin. itinabi niya ang kotse niya dahil hindi niya naman maipapasok ang kotse niya dahil masikip ang daan. sa looban pa kasi ang bahay namin. "kahit labag sa kalooban ko salamat pa rin sa paghatid,at saka wag mona akong ihatid hanggang sa amin"sabi ko sakanya wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko at saka lumabas hindi ko na siya inintay na umalis pa kaya naglakad na ko papuntang bahay. nasa tapat na ko ng bahay namin "So dito ka pala nakatira"sabi ng taong nasa likuran ko na kilalang kilala ko ang boses kaya nilingon ko ito. "anong ginagawa mo dito?"kunot noo kong tanong "because of this"sabi niya at itinaas ang kamay kaya tiningnan ko kung ano yung hawak niya. nagulat ako ng makita ang cellphone ko na hawak hawak niya.naiwanan ko pala yun sa kotse niya. kinuha ko ito sa kanya at ibinigay niya naman.nakita kong hindi pa siya umaalis kaya nagtaka ako. "baket may sasabihin ka pa ba?"tanong ko sakanya. "Nothing,yan lang naman ang ipinunta ko dito,ok aalis nako"sabi niya at umalis nga siya kaya pumasok nako sa loob ng bahay namin. "Ma andito napo ako!"sigaw ko. "kumain ka nalang diyan nasa lamesa ang ulam nakatakip"sigaw ni mama mula sa taas. umakyat muna ako sa para magbihis ng damit pangbahay.pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ko para kumain. pagkatapos kong kumain ay umakyat na ko at pumason sa kwarto para humiga pagod na pagod ako ngayong araw kaya bagsak ako ngayon sa kama habang nakahiga ay inisip ko ang napakaraming nangyari ngayong araw at hindi ko namalayang nakatulog na ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD