KABANATA 8

1033 Words
Nagkibit-balikat ako at inikot muli ang paningin ko, may isang litrato ang umagaw ng pansin ko, si Aki kasama ang dalawang babae na inaakbayan niya. Ang isang babae ay medyo may edad ang itsura pero halata mong maganda noong kabataan kahit may kaliitan, ang isa naman ay parang babaeng version ni Aki, malamang ito ang kanyang ina at kapatid. Maiksi pa ang buhok niya rito habang nakasuot ng toga, graduation picture malamang kasama ang kanyang ina. Napangiti naman ako nang makita ang nakangiti niyang mukha, nakakapanibago, puro ngisi at maliit na ngiti lang ang nakita ko sa ilang oras ko siyang nakita. Madalas pa nga ay walang reaksyon o malamig lang siya tumingin. "Ang guwapo mo sana kaso ang sungit mo..." bulong ko sa sarili ko. Lalabas sana ako pero paglingon ko, "Oh gosh! You scared the hell out of me!" sigaw ko, paano ay nakatayo siya sa hamba ng pinto habang naka-cross ang mga braso sa dibdib at pinagmamasdan ako. "Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko, ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. "Long enough to hear you say I'm handsome," and again he smirk. I felt heat flush on my face. 'Oh sh*t, me and my mouth!' "Y-you can-" "Speak english? Bakit? Kapag ba taga-bundok hindi na matututo?" taas-kilay niyang tanong. "It's not that, I was just-" "Masyado lang kayong mapanghusga," napapailing na wika nito habang mataman pa ring nakatingin sa akin. Nagpanting naman ang tenga ko. "Stop putting words into my mouth Mr. Corpuz! I'm not judgemental, ang gusto ko lang sabihin is you're fluent!" "You think I'm not helping them learn then?" mas nagsalubong ang kilay niya pero kita ko ang anino ng ngiti sa mga mata niya. "Urghh! Ang hirap mong kausap!" nauubusan ng pasensyang turan ko. Hindi siya sumagot at lumapit lang sa akin, sobrang lapit na halos magkapalit kami ng mukha, "W-what are you..." tanong ko dahil halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Naaamoy ko na nga ang aftershave niya. "Take a sit, kailangan kong linisin ang sugat mo," inabot niya ang monoblock na nasa likod ko at umatras. Huminga ako ng malalim at umupo, inumpisahan niyang linisin ang sugat ko. Medyo malalim nga ito at sariwa pa kaya lumihis ako ng tingin, ngunit pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Luminga ako sa paligid pero wala naman akong makita, nang bumaling ako kay Aki ay nakatingin naman siya sa sugat ko, tumaas ang mga balahibo ko sa isiping engkanto ang nagmamasid sa akin. "It's done. Nagugutom ka na ba? Maghahatid ng pagkain ang kapatid ko, kumain ka muna bago ka magpahinga ulit," wika nito habang inililigpit ang mga ginamit niya. "H-hindi na ako magtatagal, maraming salamat sa naging tulong niyo sa akin pero kailangan ko nang umalis. Nakaka-abala na ako masyado sa-" "Hindi ka pa lubusang magaling, maari kang umalis bukas kung gusto mo pero ngayon ay magpahinga ka. Hindi mo masasabi kung sa pupuntahan mo ay may manggagamot na tutulong sa'yo." "H-hindi na kaya ko na ang sarili ko... m-maraming salamat Dakila. Pakisabi rin kay Anya at Anissa salamat sa mga dinala nilang pagkain kagabi at sa mga prutas," ani kong nakatingin sa mga prutas na ibinigay ng mag-ina. Magsasalita sana siya nang may mga yabag na nagtatakbuhan papasok sa klinika. "Dok Aki!" "Ate Arki!" Napangiti akong bigla nang makita ang mga batang bisita ko kanina kasama si Anissa. "Ate Arki sama ka po sa amin! Sabi po ni Dok Aki makakabuti raw po sa'yo kung dadalhin ka namin sa talampas!" excited na turan ni Anissa. "Ahh ano kasi..." "Opo Ate sariwa po ang hangin doon at pihadong gagaling ka rin po agad. Sama ka na po ate..." wika ni Likha. Sumali na sa pag-aaya si Domeng, "Dadalhin ka rin po namin sa-" "Huwag niyong gaanong pagurin ang Ate Arki niyo, kaya ko lang siya pasasamahin sa inyo para makalanghap siya ng sariwang hangin. Kailangan niya 'yon..." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon dahil sa tono niya ay parang mas ako ang pinapangaralan niya kaysa sa mga bata. Gosh his eyes, it seems like he wants to hypnotize me... so I nodded absent-mindedly and the kids cheer woke me up from a daze. Hinatak na ako nina Anissa at Carina palabas ng klinika. Ang mga nakakasalubong namin ay sari sari ang reaksyon ng mukha, may ilan ang nakangiti samantalang ang iba ay nakatitig lang at para akong inaaral. Marami kaming dinaanan na naka-agaw ng pansin ko at isa na roon ang mga istilo ng bahay nila. Napapangiti ako habang nakikita ang mga bahay nila na gawa sa bamboo at kugon. Simple ang pamumuhay sa kabundukan pero halata mong masaya sila dahil payapa ang lugar. Ang ilang nadaanan naming bahay ay may mga turista, magtatanong na sana ako nang sumagot agad sa akin si Anissa, animo'y nababasa ang laman ng isip ko... "Ate Arki, sila ang mga mambabatok dito sa amin. Kita mo po at may mga turistang dumadayo kahit liblib ang lugar namin," may itinuro siyang isang bahay at nakakagulat na may mga dayo nga doon na nasa sampu yata ang bilang. "A-anong meron dun?" "Bahay po 'yan ng lola ni Issa, si Apo Linda, isa sa mga kilalang mambabatok po rito sa amin," paliwanag ni Islaw. Napatango lang ako at muling nagpa-akay sa mga bata. Ilang minuto pa at nakalabas na kami ng kakahuyan paakyat sa talampas. Pagdating sa itaas ay namangha ako sa ganda ng tanawin. Mula sa puwesto ko ay kita ko ang palayan na tulad ng sa Banawe Rice Terraces, may mga mumunting kubo sa paligid noon at ang mga nagtatayugang Pine Trees na lalong nagpatingkad ng ganda ng lugar. Parang ang sarap isigaw sa lugar na ito lahat ng problema ko, nang maalala ang eskandalong kinaharap ay gusto kong isigaw sa mundo ang lahat ng sama ng loob ko. I came here with a plan to heal myself, I wanted to forget everything, I feel so dirty thinking of what happened and doubted myself more. If I was just sane... if I just obeyed my brothers maybe I was still the same jolly and positive Arkisha, but now I was just a little girl wanting to feel safe and alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD