Chapter 5

944 Words
Saya's POV, May dala-dala akung timba kasi napupuno na ng luha ang bahay namin, kaya umaapaw na. So, ayan kailangan bawasan ang luha sa bahay namin. Tama! luha paano ba naman kasi kung makaiyak si Saki parang hindi na kami magkikita. OA nito bibisita naman ako dito. And by the way, wala akung dalang timba joke ko lang yon, papaalis na kasi ako aabutin na nga ako ng gabi dito kasi ayaw pa akong paalisin ni Saki. Sinabi ko naman sa kanya kung bakit ako aalis. Naiintindihan naman niya pero ayaw niya pa akong paalisin. Delikado na daw kasi kaya bukas na ako aalis. Nako Saki style mo bulok. "Saki dadalaw naman ako dito eh, ikaw na ang magsabi sa manager natin tungkol sa pag-alis ko, okay?" saad ko sa kanya nag pout naman siya at tumawa, kita mo na gaga talaga, iiyak tapos ngingiti. May saltik din yan eh. "Basta dalawin mo ako ha, kung ayaw mong gigirahin kita sa pinag-tratrabahuhan mo!" pagbabanta niya pa. Tumango nalang ako sa kanya at niyakap siya. Inihatid niya pa ako sa labas ng gate bago ako umalis. Sumakay na ako sa Audi na naghihintay sa akin sosyal naman, ang yaman pala ni Bossing. Full packcage na si Bossing, ito na naman ang brain ko. Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa palasyo ni bossing. Tinulungan ako ng mga guard sa gamit ko. Sinalubong ako ng mga kasambahay at dinala sa magiging kwarto ko. Umalis daw si Boss may pinuntahan. Pumasok nalang ako doon at inayos ang mga gamit ko. Hindi nag tagal pumasok ang isang kasambahay at may sinabi sa akin. "Ma'am ito po ang magiging kwarto niyo sabi ni Sir William, magkalapit po ang magiging kwarto niyo. Ang sa kabela pong kwarto ang kay Sir William. Pagkatapos po may intercom po kayo dito kung saka-sakaling kailangan kayo ni Sir at ito po an--" natigil sa pag sasalita si Manang ng pumasok si Bossing at seninyasan ang kasambahay na lumabas, akala ko ba umalis to. bakit nandito siya? "Akala ko umalis kayo, Sir Black and white equals Grey?" tanong ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya. Trip ko lang tawagin siyang ganon, para unique, oh diba? "Stop calling me that freaking name at umayos ka nga, bukas na magsisimula ang trabaho mo. Nandiyan na lahat ng kailangan mo!" singhal niya sa akin, nag shopping naman ang saliva ni Sir sa mukha ko. Pero infairness ang bango ng hininga ni Sir, amoy mint. "Sir naman para unique ang tawag ko sayo, hindi naman pangit ha, tsaka Sir alam ko na po ang gagawin." nakangiting sagot ko sa kanya, with matching kindat pa. Pero hindi na sumagot si Sir. Tinignan niya lang ako ng masama at napa tssk, tapos tumaas pa ang sulok ng labi niya. Napa sapo naman ako sa mukha ko ng itampal niya sa akin ang napakalaking folder. Buti nga nahawakan ko ka agad, siguro nagkalat nato sa floor. "Your work starts now! And read the files and discuss to me tomorrow everything from it and especially my schedule for meeting. Arrange it and finish the other work! Understand?" sunod-sunod na sabi niya sa akin, napalunok naman ako ng wala sa oras nag-uumpisa na ang kalbaryo ko, nako goodluck to me. "Aye aye boss!" sagot ko habang naka saludo pa, napa iling naman siya at narinig ko pa ang sambit niya na baliw. Bago tuluyang lumabas lumapit naman ako sa pinto at ni lock iyon, nilibot ko ang tingin ko sa kwarto malaki siya na kulay white may king size bed may aircon may sariling banyo at closet room at iba't iba pa. Ganito na kalaki ang sala namin kasama na ang kusena at banyo. Halata talaga na mayaman ang may ari ng bahay. Kumuha nalang ako ng tuwalya sa closet ko. KO talaga kasi kwarto ko daw to eh, kaya akin na. Ayun na nga kumuha na ako ng tuwalya at pumasok sa banyo halos madapa pa ako ng makita ko ang banyo ang laki parang kasing laki lang ng kwarto ko sa bahay namin ni Saki at ang bango pa. May bathtub. basta kumpleto. Ni lock ko na ang pinto, mahirap na mawala pa ang perlas ng sinilangan ko nang wala sa oras, okay lang kapag si Sir William ang pumasok, ay nako! Utak ko na kulay berde! SAVE ME FROM TEMPTATION! Hinubad ko na lahat ng suot ko at tumapat sa shower pinalitan ko ang temperature nito sa hot, kailangan ko lang mag relax. Mga isang oras akong nasa banyo bago ko napag-desisyunang lumabas at mag bihis, pero bago iyon humarap mo na ako sa salamin at tiningnan ang hubad kung katawan. I have curve and slim body, perfect long and white legs, 34 B ang size ng dibdib ko, long brown hair, matangos naman ang ilong ko, kissable lips. I close my eyes, peke ang mata ko kaya hindi ko na kailangan e describe siguro ang pilik mata ko mahaba. Someday, you will know. Tinakpan ko na ang katawan ko at lumabas na, may trabaho pa ako na tatapusin, marami din iyon. Alam ko na naman ang buhay secretary eh, may pinagaralan ako hindi lang basta simpleng pag aaral. Well, never mind. Back to the topic. Pagkatapos kung mag bihis kinuha ko na lahat ang pinapagawa sa akin at binasa ito, inintindi ko naman lahat ng impormasyon. Inayos ko na rin ang schedule niya, lahat ng hindi pa tapos na files ginawa ko na medyo mahirap yon ha. Almost 1:00 o'clock na ako at natulog, bukas na ako mag uumpisa sa trabaho ko, ay naka umpisa na pala ako ngayon. Nakadapa ako sa kama pero hindi lang halata na marami rin akung dinadala na problema, pero kaya ko to. Hindi ko na inalala pa at natulog nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD