Saya's POV, Nakangiti ako habang papunta sa Slyde's para kumain. Kagabi gabi na ako umuwi at hinatid ako ni Grey. Sabi niya hindi daw siya makakapunta dito kasi marami siyang aasikasuhin. Pero okay lang, ako nalang ang pupunta sa kanya. Okay naman sa kanya eh basta ako lang. "Masaya ang ngiti natin ngayon ha." pang bungad sa akin ni Saki. "Kami na ni Grey." nakangiting sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "Ano! Kayo na ni Grey!" sigaw ni Saki kaya napatingin sa akin ang lahat ng agent na kumakain dito. "Yeah kami na nga." inosenteng sagot ko at uminom ng kape sa mesa. Kay Fire na kape ito dito kasi ako umupo sa harapan niya, katulad ng iba nagulat din ito. "Kayo na ba talaga?" tanong sa akin ni Fire tumango naman ako. "Gusto niyo ng proweba?" saad ko at dinampot ang cellphone ko at

