Saya's POV, Magandang umaga ang sumalubong sa akin ngayon, kasi pupunta ako sa office ngayon ni Grey. Isang araw din kaming hindi nagkita. Mabilis akung pumasok sa banyo at naligo. Hinubad ko ang lahat kung damit at tumitig sa salamin, mabuti nalang magaling mag-imbinto ng gamot si Wind kaya nawawala ang marka ng mga sugat ko. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko, magpagupit kaya ako. masyadong mahaba na ang buhok ko. Ng makalabas ako nag suot lang ako ng short at simpleng t-shirt tapos nag suot ng sapatos. Pero pumasok muna ako sa private room ko na puro baril at ibang armas ang laman, kinuha ko ang isang baril ko at dinala pababa. Kinuha ko nalang ang susi ng BMW ko at pumunta sa parking lot at nilagay sa compartment nito at pumunta sa kompanya ni Grey. Ng makababa ak

