Saya's POV, Lintik na Grey yon. Pabayarin ba naman ako ng bill niya. Ano niya ako bangko bwesit siya. Madapa siya sana. Padabog kung linapag ang pera ko sa mesa. Bwesit two thousand din yon. Nakasimangot akung lumabas sa mall. Bwesit kasi si Fire eh ginising ba naman ako na umalis daw si Grey at dapat sundan ko siya dahil baka mapahamak daw. Malaki na siya kaya na niya ang sarili niya pero dahil mission ko na bantayan siya kailangan ko talaga siyang sundan. Na bwesit talaga ako. Pabalibag kung sinuot ang helmet ko at binuhay ang makina ng motorsiklo ko. Baby ko to no. Ducati kaya to. Pero nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko. Panira sino to? Hinugot ko ito at sinagot. "Hello!" singhal ko kung sino man to. "Easy woman!" sagot ng sa kabilang linya. Sino ba to at bakit alam

