Chapter 1

1054 Words
Saya's POV, "Makailang ulit ko ba dapat sasabihin sayo Saya na bawal kang mamigay ng pagkain sa mga pulubi! Aba! Lumayas ka dito kung ganyan ang ugali mo! mawawalan ako ng puhunan sayo! Lintik na buhay to!" Sigaw sa akin ng magaling kung amo, oh manager pala, puhunan? Hindi naman siya ang may ari nito. Pasok sa tenga labas sa kabila, ganyan naman palagi ang ginagawa ko eh. Sa naawa ako sa mga batang kalye eh, kaya kinuha ko ang isang cake sa pinagtrabahuhan ko at binigay sa kanila, iyan ang dahilan kung bakit ako napagalitan pero sulit naman ang ginawa ko. Okay na ako kapag nakita ko ang masayang mukha ng mga bata. I'm Sayanara Lewis, gaya ng mga bata sa kalye ulila na rin ako, ako mismo ang bumubuhay sa sarili ko kaya nag tra trabaho ako sa isang cake store na may masungit na amo, tssk Mataba na nga pangit pa ang mukha pati pa ang ugali.Tssk. "Saya napagalitan ka na naman? Hulaan ko batang kalye na naman no?" tanong sa akin ng maganda kung kaibigan siya si Saki apat na taon na kaming magkaibigan, dito din siya nag tatrabaho sa "Dessert Chain", pangalan ng pinag trabahuhan namin. "Okay lang, atleast masaya ang mga bata at may roon silang makakain." masayang tugon ko at tiningan ang mukha ng kaibigan ko na nakabusangot. "Hays! Ewan ko sayo Saya! Halika na nga may trabaho pa tayo sigurado ako na ibabawas na naman sa sweldo mo ang ibinigay mo sa mga bata!" sabi niya habang hila-hila ako papasok sa Dessert Chain. Alam ko naman na hindi kayang magalit sa akin ni Saki eh. Nag-iisang apartment lang ang tinitirhan namin simula ng maging magkaibigan kami, para tipid daw. Nang makarating kami sa loob ang daming costumer kaya ginawa ko na ang trabaho ko. Lumapit ako sa isang table na may costumer na tatlong babae na halos nilunok na lahat ng gluta, tapos isang lalaki na ubod ng gwapo, katulad ng mga babae parang nilamon niya lahat ng gluta, matangos ang ilong halos perfect na nga eh. Lumapit ako sa kanila at naramdaman ko na tinititigan ako ng mga babae, tssk alam ko naman na maganda ako eh. "What's your order maam and sir?" magalang na tanong ko kahit na lunurin na ako sa tingin ng mga babae. "Ahmm, one apple mango cake and lemon juice." sagot ng lalaki at matamis na ngumiti, nako siguro kung ibang babae lang ako kanina pa ako nagtitili dito sa gwapo ng lalaking ito. "And Maam what's your order?" magalang na tanong ko sa mga babae kahit na ang sakit na nilang makatingin, papatayin ba nila ako sa tingin? Tanong ko sa isipan ko, naman oh. "One dark berry cake and strawberry cake!" matigas na sabi ng isang babae na kulay puti ang buhok. "Same order!" sagot naman sa akin ng isang babae na halos patayin na ako sa titig, problema nila? "One dark choco and hot chocolate!" sabi sa akin ng isang babae at matalim akong tinignan. "Okay just wait your order maam and sir." sabi ko sa kanila at matamis na ngumiti bago umalis sa kanilang mesa. Problema ng mga non? Masyado siguro akong maganda para tingnan nila ng ganon. "Oh bakit ang ganda naman ata ng ngiti mo Saya?" tanong sa akin ni Elton ang head chef namin dito ang may ari ng Dessert Chain, marami na ngang restaurant na napagawa si Elton kung tutuusin mayaman na siya pero mas gusto niya parin na siya ang magluluto dito, oh sipag niya no. "Wala po sir may nakita po kasi akong gwapo sa labas." masayang sabi ko, habang nakangiti. "Ewan ko sayo Saya, mag trabaho ka na nga sinabi sa akin ng manager dito ang ginawa mo kanina ibabawas niya sana sa sweldo mo ang pinamigay pero pinagsabihan ko, pero huwag na itong mauulit Saya." sabi sa akin ni Elton. "Talaga Sir? Salamat po talaga Sir, ang bait mo po talaga Sir." sabi ko habang nakangiti, pero tinalikuran lang ako ni Sir, aba may pagkasuplado pala si Sir pero mabait din naman kahit minsan, minsan lang. Lumabas nalang ako hinatid ang order ng mga costumer, pero wrong timing naman oh, kina ate ganda pala ang order nato yung mga babaeng masakit makatingin sa akin, insecure siguro sila kaya napatawa nalang ako ng patago. Ibinaba ko sa table nila ang order pero gaya kanina tiningnan naman nila ako ng masama. Haysss. "Thank you miss Saya?" sabi sa akin ni Juya na maputi. Omg! Alam niya ang pangalan ko, oh my god! "Sir? Kilala niyo po ako? Hala Sir stalker ko po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko. "Hahahaha of course not. May name tag ka kasi miss." sagot niya sa akin, ay boba oo nga pala kahiya naman ng ginawa ko, lupa lamunin mo ako, wew. "Ay sorry po Sir." sagot ko at umalis nalang ng mabilis, kahiya talaga, nako Saya ang feeler mo sobra. Kaya patakbo akong umalis doon, hindi ko napansin na may mababangga pala ako. Bogggss! Nako po! Tubig lamunin mo narin ako, kahiya talaga kakambal ko talaga ang malas. "Nako sorry po Sir, sorry po talaga hindi ko po sinasadya." sabi ko sa nakabangga ko habang pinupunasan ang basa niyang damit, dahil sa juice na daladala nito. "Its okay miss its an accident, sa susunod mag iingat ka nalang." sabi niya sa akin at kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas ng damit niya, nako po naka tuxedo pala siya patay talaga. Pinagtitinginan na ako ng mga costumer dito, patay ako nito kay manager. "Ito tissue miss oh, mukhang namantsahan ang uniform mo." sabi sa akin ng nakabangga ko, unti-unti kung tinaas ang ulo ko, ano to? Kapre? Ang taas naman niya, gwapong kapre naman niya, hahaha kidding naka disgrasya na nga ako magpapantasya pa ako, nako naman. "Ah salamat nalang Sir and sorry po talaga." saad ko habang nakayuko, kahiya talaga. "It's okay, ito ang tissue punas mo sa uniform mo, Miss Saya." saad niya at umalis pero nilagay niya sa kamay ko ang tissue at pumunta sa isang table. Yumuko nalang ako paalis dahil marami na ang nakatingin sa akin, kahiya talaga ano ba ang nakain ko at ang malas ko ngayong araw. Dali-dali akong pumasok sa banyo at nag ayos ng sarili ko. Makalipas ang ilang minuto lumabas narin ako at sa kasamaang palad hinihintay pala ako ng magaling naming manager. Ito na naman tayo, puno na naman ang tenga ko dito pero dating gawi, pasok sa tenga labas sa kabila. Ganda ng naiisip mo na paraan Saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD