Saya's POV, Nakapalumbaba ako sa mesa habang naka tingin sa cellphone ko, dalawang araw na kasing hindi tumatawag si Grey ang last pa niyang tawag noong magkasama kami ni Saki. "Saya, kanina kapa nakatingin sa cellphone mo." napatingin naman ako kay Saki. Yeah, dito na siya nagtra-trabaho sa Slyde's at doon na din siya nakatira sa villa niya mabuti nga at nagustuhan niya dito, kilala na din siya dito. "Hindi pa kasi tumatawag si Grey." sagot ko at uminom ng yakult ko,sinabi ko kasi sa kanya ang namamagitan sa amin ni Grey kaya may alam siya. "Akala ko kung ano na, edi puntahan mo yan mahirap talaga ang mag mahal, sige may trabaho pa ako." napabalikwas naman ako sa sinabi niya mahal? Mahal ko na si Grey? Hindi ko alam, basta ang sa akin lang malakas ang t***k ng puso ko kapag nakikita k

