Saya's POV, Hindi ako mapakali sa loob ng kotse dito sa labas ng simbahan sa italy talagang dito kami sa italy, noong isang araw nagkita na kami ng pamilya ni Grey at ang Ate Glemer niya, mabuti nga at masaya sila magpapakasal na kami ni Grey. Si Weather naman halos hindi na makapaniwala na ang gusto niyang babae para sa Kuya niya ay magkakatuluyan. Nagulat nga nalang daw sila na ikakasal na si Grey, pero masaya naman sila lalo na ang Ate Glemer ang Ate ni Grey. "Hey, kalma ka lang Saya dapat maging masaya ka kasi ikakasal kana." saad naman sa akin ni Velbet na maid of honor ko. "Kaya nga kinakabahan ako." sagot ko sa kanya, mabuti nga at hindi pa malaki ang tiyan ko. Isipin mo manganganak na talaga ako ng apat. Nako naman! "Si Ice pala ang best man eh, oyy!" pang-asar ko sa kanya m

