Boy
Today's another day. Kailangan kong bumili ng ingredients para sa Café. Ayaw ko na rin 'yong iuutos sa workers ko dahil wala rin naman akong gagawin at mas may alam ako pagdating doon. I need to buy the exact ingredients for all of the dish that my cook or I will make.
"Ate, Sama ako sa'yo, ha." Sabi ni Tala saakin na kakababa lang. She's wearing her usual go-to-look. White fitted top and a black high-waist jeans paired with her black boots. She's also wearing a black cardigan. She looks pretty as always.
"Is it okay with you? Baka ma-bored ka."
"It's okay, Ate. I will also buy some stuffs kaya may gagawin din naman ako kahit papaano. Hindi naman ako ma-bo-bored."
Tumango na lang ako at inayos ang aking suot na dress, it's a nude dress. I tied my hair into a bun and wore a beige strap-on sandals.
"Nakita mo po ba kung saan ang tote bag ko, Ate?"
"I haven't. But you can ask Manang about your tote bag, Tala." Sumulyap ako sa kan'ya. Mukhang hindi siya mapakali dahil sa kan'yang tote bag.
"Don't bring it. I can pay for your stuff." Sabi ko sa kan'ya. Ngumiwi siya at mabilis na umiling. Kahit na talaga may pera na ako ay hindi pa rin siya nagpapalibre saakin.
She does not take anything or anyone for granted. That's what I like about her. Kahit minsan ay matalas ang kan'yang bibig, hindi siya nanapak ng tao at hindi niya ti-ni-take for granted ang mga ito.
"I am 18, Ate. I'm in a legal age already, so I am independent and I don't need any of your money. Okay po?"
I chuckled, "Fine, fine, fine. You can do whatever you want. Bilisan mo lang d'yan at baka gabihin pa tayo pag-uwi. Dadaanan ko pa ang Café pag-uwi natin."
"I am already done, Ate. I just need to find my tote bag."
Napatingin ako sa hagdanan ng makitang pababa na si Pixie. She was holding a white tote bag, it looks like Tala's bag. Nang makita 'yon ni Tala ay agad siyang pumunta doon. She thanked Pixie and immediately went to me.
"Asan kayo pupunta, Ate?" Tanong ni Pixie na kakagising pa lang. She's wearing her pink robe that has an embroidered crown on her left chest. Her hair is messy, mukhang hindi niya na ito sinuklay pagbaba.
"We'll buy the things that I need in my Café. You can join us if you want." Sabi ko sa kan'ya. "We will wait for you."
"Ate, okay lang. May pupuntahan naman ako mamaya. I have new friends, by the way. "
"Pa-bago-bago ka naman ng kaibigan. Wala bang nagtatagal?" Natatawang sabi ni Tala. Ang akala ko ay magiging mabait na ito sa pinsan niya dahil sa pagbigay nito ng bag.
I stared at Tala seriously, the reason why she closed her mouth. Bumaling ako kay Pixie at nginitian siya. Her brows are furrowed and her lips turned into a thin line. Mukhang dapat na talaga kaming umalis. Tala is at it again. Mas malala lang talaga kapag nagbabangayan silang dalawa ni Aga. Hindi matapos-tapos.
"Aalis na kami, Pixie. Have fun."
Mahina kong hinila ang kamay ni Tala para makaalis na kaming dalawa. Habang papunta kami sa ba yan ay pinagsasabihan ko siya tungkol sa kan'yang ginawa kay Pixie. She should be mindful about her actions and words. Mahal ko ang kapatid ko pero hindi ibig sabihin nun na i-to-tolerate ko ang kan'yang ugali.
We traveled for I don't know how many minutes. Malapit lang naman din ang Isla sa town kaya hindi rin 'yon umabot ng ilang oras. Iyon ang maganda sa Isla Montecarlos dahil kapag gusto mong pumunta sa town ay makakapunta ka rin na hindi na kailangan na maghintay ng ilang oras pa. Ang mahirap lang talaga ay 'yong pabalik-balik na lang ang pagpunta doon.
Isla Montecarlos is a large place, maraming nakatira dito at dinadayuhan din ito pero kokonti lamang. Siguro dahil wala masyadong nakakakilala sa lugar na 'to. Maganda dito hindi dahil sa dito ako lumaki pero dahil may pleasing atmosphere siya and you would really feel like you are at home, sobrang comfortable.
"Ate, bili ako nitong apple." Sabi ni Tala. Tumango na lang ako at hindi na siya pinakialaman sa kung anong nilalagay niya sa cart.
"Ito ring strawberries, Ate. Gagawa ako fruit salad pag-uwi mamaya sa bahay at hindi ko binigyan 'yong Pixie na 'yon." Natatawang sabi niya. Napatingin ako kaagad sa kan'ya. Hindi magandang nagpapainggit sa kapwa.
"Wala siyang ginagawa sayo, Tala. Stop being mean to her."
"Oo, saakin wala pero sayo, Ate, meron. Ginagawa ka ba namang utusan sa bahay na kahit simpleng kape lang ay hindi niya kayang gawin mag-isa tapos akala niya siguro hindi ko alam na pumupunta-punta lang 'yan sa Café mo dahil gustong makalibre."
"Ano ka ba, Tala? I am willing to do it, hindi niya ako inuutusan. At kung tungkol naman sa pagpapalibre, hindi niya ginagawa 'yon. Your mind is being clouded with anger, huh." Hindi na lang siya nagsalita at ngumuso na lang habang nilalagyan ng laman ang cart naming dalawa.
Kumuha ako ng flour at ibang kailangan para sa baking. Naghanap din ako ng mga snack para kay Hati at Aga. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng bilhin kila Mommy at Daddy kaya hindi na lang ako pumili. Mukhang wala rin ata sila mamaya hanggang bukas dahil sa trabaho nila. They are always busy.
"Ate, experiment ka kaya ulit ng mga pagkain para naman ipanglagay sa menu mo." Sabi ni Tala na nasa tabi ko na ngayon na may hawak na mga pagkain.
Inilagay niya ito ulit sa cart at siya na rin ang tumulak nun. Habang dumadaan kami ay kumukuha rin siya ng kung anong nakikita niya at inilalagay ito sa cart. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa niya. Lahat ng inilagay niya na pagkain ay paniguradong sa kan'ya 'yon.
"Bakit? Sawa ka na ba sa mga niluluto ko, Tala?"
"Pwede ba 'yon? Pwede bang pagsawaan ang gawa mo, Ate? Ang sarap kaya. Ang gusto ko lang talaga, Ate, ay 'yong makilala ka pa dahil sa panibagong dish mo na gaya ng dati. Sarap kaya nung 'There's no place like home' na cake mo."
"If you're willing to help me, then sige ba. I'll just add some ingredients para naman makagawa na tayo ng panibagong dish na sinasabi mo." Masayang sabi ko. Tumango-tango na lang siya at mukhang nagustuhan ang sinabi ko sa kan'ya.
Tiningnan ko ang bawat ingredients ng mga pagkain na bibilhin ko bago ito ilagay sa cart. Tumango ako at inilagay na 'yon. Lumaki ang aking mata nang makita ang isang candy na sampalok na paborito ko noong bata pa ako. I immediately grabbed it and checked the ingredients. Nakangiti ako habang binabasa ang ingredients bun and when I was satisfied, inilagay ko na rin ulit 'yon sa cart. Dinamihan ko pa ang lagay.
"Okay na ata 'tong mga bibilhin natin, Ate. Sobrang dami na, oh. Nagmumukha ng bundok sa sobrang dami. Tayo lang naman dalawa ang dadala n'yan kaya hindi kaya kapag sobrang dami."
Tumango na lang ako at pumunta na sa cashier para icheck-out ang bibilhin namin ni Tala. Tala went in front of me para ilagay ang mga laman ng cart sa counter. Tumulong na rin ako para mapadali ang pagkilos dahil mukhang gusto na ni Tala na umuwi nang maaga.
Halos mabitawan ko ang hawak ko nang may isang kamay na tumulong din saamin. Nagpasalamat ako at agad akong bumaling doon at nang makitang si Vaughn 'yon, ang boyfriend ni Pixie ay kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit eh wala naman akong kasalanan sa kanya.
"Hello po, Kuya Vaughn. Nandito pala kayo. Sorry ka na lang po pero wala dito si abo."
"Abo?"
"Luh, kasamahan ka ni Aga sa pagiging bobo? Joke lang po, Kuya. Huwag galit, magbreak kayo n'yan ni Pixie, eh."
"Joke ba 'yan?" Kumukunot ang noo ni Vaughn pero halata na gusto nitong matawa dahil sa sumisilay na ngiti sa kan'yang labi. He looks impressed.
"Pixie dust, Kuya. Kung tingin mo pong joke 'yon, tawa ka po para benta."
Kung ano ano na lang talaga ang lumalabas sa bunganga ni Tala. Kaya minsan ay maraming naiinis sa kanya dahil sa mga sinasabi niya. I apologetically looked at Vaughn. Sana ay huwag siyang mainis kay Tala kasi hindi niya rin naman sinasadya na may mainis sa kan'ya. She's just being herself.
Nang mapunch na lahat ng bibilhin namin ni Tala ay sinabi na ng cashier ang babayaran namin. Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag at binilang 'yon. Maayos kong ibinigay ang bayad at pumunta na sa pinakadulo na ng counter para makuha ang box na ginawa nilang pambalot doon sa pinambili namin.
"Kayong dalawa lang?"
"Opo, Kuya. Why po? Gusto niyo pong sumama saamin? Sus! Gusto niyo lang ata magpalibre, eh." Pinalo pa ni Tala ang braso ni Vaughn kaya hindi ko alam kung anong irereact. Close ba silang dalawa? Baka maoffend 'yong tao sa kan'yang ginawa eh.
"Gusto niyo bang samahan ko na lang kayo? I am not busy so I have nothing to do after this."
Napatingin siya saakin na para bang hinihintay ang sagot ko. Wala naman sigurong masama kung pumayag ako, diba? Boyfriend siyang pinsan ko kaya siguro nagmamagandang loob lang siya at baka siguro iniisip niya na magiging hadlang kami sa relasyon nilang dalawa.
"Sure, Kuya. Pupunta kami mamaya ni Ate sa karinderya. G ka ba? Baka naman ayaw mo kasi unreachable ka kaya, Kuya."
"Unreachable." Tumawa ito. "Sasamahan ko kayong dalawa at huwag kang mag-alala. Hindi rin naman ako maarte."
"Sus! Sinasabi mo lang 'yan para mapa-good shot ka saamin kay Pixie. Huwag mo ng gawin, Kuya. Kahit iyo na 'yang si Pixie. Hindi na siya namin tatanggapin."
Siniko ko si Tala dahil sa sinabi niya. Kanina na niya ginagawang topic si Pixie, hindi na niya tinitigilan. Nanahimik na lang bigla si Tala at ngumuso. Baka naman akalain ni Vaughn na pinagkakaisahan namin ang girlfriend niya o baka sabihin niya na ayaw namin kay Pixie. Matabil lang talaga ang dila ni Tala pero hindi siya masamang tao, sigurado ako doon.
Nang matapos ibalot ang binili namin ay agad 'yong dinala ni Vaughn at tumungo na kami sa labas. Tinanong niya pa kung may dala kaming sasakyan at nang malaman niya na wala ay nagmagandang loob ulit siya na pasakayin kami sa kan'yang sasakyan.
Umupo ako sa likod habang si Tala naman ay nasa front seat kasama ang boyfriend ni Pixie. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang silang naging close ni Vaughn. Magkakilala ba silang dalawa? Pansin ko rin na close rin ni Hati itong boyfriend ni Pixie, mukhang pinakilala na ni Pixie ito. Ako lang talaga ang hindi nakakakilala sa kan'ya.
"Ituturo ko na lang po ang daan, Kuya. Masarap po ang mga pagkain nila doon at approved ni Ate ang mga binibenta nila."
Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na lang na nakikinig sa bawat usapan nila. I can't deny the fact na they're close. Magkaedad lang si Pixie at si Tala, mabuti na lang at pumayag si Vaughn na tawagin siya na kuya ni Tala. May iba kasi na tao na ayaw nun dahil pakiramdam nila na sobrang tanda na nila.
"Nandito na po tayo. Park niyo na lang po ang sasakyan niyo kahit saan, Kuya."
Vaughn parked his car. Binuksan ko na ang pinto at naghintay na lang sa loob ng karinderya. Inorder ko ang paborito kong pagkain at hinintay na 'yon. Self serve ang mga pagkain dito at walang waiter gaya ng ibang kainan.
"Oh, Venice! Ikaw lang ba? Kasama mo ba mga kapatid mo?" Tanong ni Manang. Tumango ako at nag-order na lang din ng pagkain para kay Tala at Vaughn. Hindi naman siguro sila magagalit kung nauna na ako diba?
"Kami na lang maghahatid nito, Venice. Umupo ka na lang doon, okay?" Sabi naman ni Manang. Umiling ako dahil ayaw ko naman na magpaka-special dito. Baka sabihin na ang unfair ng treatment nila sa mga customer nila.
"Ako na lang po. Kaya ko naman po." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Natawa na lang siya at ibinigay saakin ang isang tray na puno ng pagkain.
Naghanap ako ng mauupuan namin at nang may makita na table na may malapit na electric fan ay agad akong pumunta doon. Inilapag ko ang mga pagkain ay hinintay na sila Tala. Nang makita kong papalapit na si Tala at Vaughn ay agad ko silang nginitian at tinawag.
"Nag-order na ako ng pagkain niyo. Tama ba 'to?" Tanong ko kay Vaughn. Alam ko naman ang paborito ni Tala kaya hindi na ito magsasalita at hindi na niya papalitan ang pagkain na inorder ko para sa kaniya.
"Oo. Thank you."
Umupo na silang dalawa at nagsimula nang kumain. They were busy talking at minsan pa ay sinasali nila ako sa usapan pero dahil naiilang pa ako kay Vaughn, hindi na masyado akong nagsalita. Simpleng pagtango lang ang ginagawa ko.
Nang matapos na kami sa pagkain ay pumunta na ako kay Manang para magbayad. Lumapit saakin ang anak niyang si Joe na kasing edad ni Tala. Nililigawan ako nito dati pero tumanggi ako dahil magkasing-edad lang sila ni Tala at kapatid lang ang turing ko sa kan'ya.
"Hi, Venice."
"Hello, Joe. Babayaran ko nga pala ang order namin." Kinuha ko ang wallet sa bag at humarap sa kaniya ng nakangiti. He returned a smile and shook his head, "Huwag mo ng bayaran. Number mo na lang, okay na ako."
"Joe, business is business. Magkano ba ang order namin?"
"Sinabing number mo na lang, Venice. Sige ka, magtatampo ako n'yan sayo. Binasted mo na nga ako tapos tatanggihan mo pa ako ngayon."
"Joe." Banggit ko sa pangalan niya para malaman niyang seryoso ako. Hindi ako mabilis mainis kaya siguro ay hindi nila ako siniseryoso.
"Ako na ang magbabayad. How much is it, boy?" Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si Vaughn. Bilis niya namang kumilos. Ang akala ko ay nasa table pa rin siya.
"Boy?" Natigilan na sabi ni Joe. Mukhang naiinis ito dahil sa pagsalubong ng kanyang kilay. Mapapaaway pa kami ng dahil lang sa pagtawag ni Vaughn ng boy kay Joe, eh.
"Why? Magkano ba?"
Huminga ako ng maluwag nang sabihin ni Joe ang babayaran namin. Babayaran ko na lang si Vaughn sa mga order naming dalawa ni Tala dahil hindi naman required na siya ang magbayad nun. Kami ang kumain at nakikisakay rin kami sa kan'yang sasakyan. Parang sumusobra na ata kami.
Nang matapos siyang magbayad ay pumunta na kami sa kanyang sasakyan. Umupo pa rin ako sa likuran. Binuksan ko ang wallet ko at tumingin kay Vaughn, "Babayaran ko nga pala ang order naming dalawa ni Tala."
"Huwag na."
"I insist. Tinulungan mo na nga kami sa mga pinamili namin tapos pinasakay pa. Parang sumusobra na ata kami."
"Huwag na, Mirasol.."
Mirasol?
#PWFBoy